Epilogue

100 2 1
                                    

Epilogue:



Yamato's Point Of View.


In our whole relationship her brother found out and because of that Jami and I started living under the same roof, I got her parents permission to allow that and they didn't say no.

Sobrang busy ko rin dahil pinagsasabay ko ang trabaho at pag-aaral, isang araw ay pagod na pagod ang hitsura ko dahil inabuso ako ng boss ko.

Over time ngunit malaki naman ang sahod, pag may over time hindi ko rin matanggihan, naging problema namin ni Jami at pagpilit niyang bayaran ang lahat.

Nauunawaan ko naman ang punto niya ngunit ayokong ginagawa niya 'yon, hindi dapat siya nahihirapan sa puder ko.

Hindi dapat siya gumagastos ng sobra, dahil ayoko ng ganoong klaseng relasyon sa kung saan nags-suffer siya sa pagkukulang ko.

Binawasan rin ng lolo ko ang allowance ko, ginigipit niya ako dahil sa hindi ko wari na nais niya.

Ayoko talagang gumastos siya pero she's really kind hearted and considerate, wala siyang pakialam kahit pa malaking pera ang gastusin niya huwag lang ako mahirapan.

I really appreciate it but I don't like her carrying the burden I was supposed to carry.

One day my grandfather went and meet me, "Yamato, ikaw ang dapat humahawak ng kumpanya, bakit sa kumpanya ng iba ka nagt-trabaho?" Galit at gigil niyang sabi.

"L-Lo wala namang koneksyon sa kurso ko ang kumpanya natin—"

"Gayunpaman ikaw ang nag-iisang lalake ng pamilya! Sundin mo na lamang ako!" Bumuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Lolo pasensya na po ngunit—" Nahawakan ko ang pisngi matapos tanggapin ang malakas niyang sampal.

"Hindi ka mabubuhay ng kurso mo! Bilang lalake dapat ay mas mayaman ka sa babaeng Garcia na 'yon!"

"Hindi ka na ba nahiya sa pamilya nila?! Gigipitin kita hanggang sa magmakaawa kang lumapit sa akin, tandaan mo 'yan!" Dinuro niya ako kaya naman bumuntong hininga ako.

Wala naman akong magagawa ngunit patuloy kong tutuparin yung nais at plano ko para sa amin ni Jami.

Sa totoo lang nakakasama ng loob, umuwi ako sa condo namin umaasang sana ay huwag niya mapansin ngunit nakita niya kaagad.

Nahulaan niya rin kaagad ang nangyari at wala akong ginawa kundi hayaan ang sarili kong magpahinga sa mga yakap ni Jami.

She's really the one who's making me feel lighter, nakakagaan, tila nawawala ang pagod ko.

Nagdaan ang mga araw na nilulugmok ko ang sarili sa trabaho upang magkaroon ng mas malaki pang pera, unti-unti na ring nawawala ang allowance ko at ang nakakasama ng loob ay wala ring magawa at ideya ang magulang ko.

Dadagdag lang ako sa problema nila, hindi pa nga maayos ang problema kay Ate Miran. Ngunit isang beses ay inutusan ako na buhatin ang painting kasama ang isang lalake pati na ang anak ng pinagt-trabahuan ko na si Crisanta.

Pikon na pikon ako sa kaniya at hindi siya nakakatuwa, kung hindi nga lang siya babae ay baka tinamaan na siya sa akin ngunit gayunpaman ay nirerespeto ko na lang siya dahil isa siyang babae.

May magulang at kapatid rin ako na babae, ayoko rin silang nasasaktan ng pisikal. Habang binubuhat 'yon ay natigilan ako nang biglang tumigil si Crisanta.

Napatigil rin tuloy kami, "Just carry it over there so we can hang it in the middle of the hall." Utos niya kaya binuhat namin ngunit halos mabitiwan ko ang painting nang biglaang tumigil si Crisanta sa harapan ko.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt