Chapter 59: Her Jealousy

60 9 91
                                    

Chapter 59: Her Jealousy





Liezel Jami's Point Of View.







Nasapo ko ang noo, "Okay ka pa?"

Napatingala ako kay Yamato at nahihiyang tumango, "Tara na." I asked and walked straight, feeling like my mind was floating.

Pagkabalik ay tulala kong kinuha ang alak, "Ano ganap?" They asked.

"Kuya Laze." Sagot ko.

"Dapat inimbitahan mo be," suhestyon ni Serina.

"May susuyuin na asawa." Napatango sila kaagad kaya pumikit ako at nanlalatang uminom.

"Engr. Garcia, sino po pala yung kayakap niyo kanina sa cottage—" sa tanong ay nasamid ako bigla sa alak kaya umubo ubo ako at natapik ang dibdib.

"Sino?"

"Meron ba?" Intriga nila Mandy at Serina.

"Kayakap?" Tanong ni Cane.

"May kayakap ka miss madam sa cottage? Baka yung anak niya." Senti added.

"Yung gwapo nating bisita," wika pa nila.

"Sino? Si Mr. Villamos ba?" Tanong ni Senti.

"Opo, yung mas bata po yata." Lumunok ako at binasa ang labi ko. Sabi na eh nakita talaga nila.

"Ah wala 'yon," sagot ko na lang.

"Siya po ba yung daddy ng baby niyo? Gwapo naman po." Lumunok ako at umiling.

"H-Hindi ah, wala lang 'yon." Sagot ko.

"Engr. Garcia si Mr. Villamos po 'no? Gwapo rin po kasi ng anak niyo—"

"Mommy!" Napalingon ako ng tumatakbo si Amato na lumapit sa akin kasama si Kenny.

"Oh sabi sa inyo eh."

"Si Mr. Villamos talaga ang daddy ng bata."

"OMG bagay sila."

"Bakit kayo nandito?" I asked Kenny before hugging Amato.

"Gusto ka raw makita eh," mahinahon niyang sabi.

"Bakit baby?" I asked.

"May masakit na naman ba sa'yo?" I added.

"No po mommy, I just wanted to see you." Ngumiti ako at inayos ang buhok niya.

"Mr. Villamos kayo po yung daddy?" Nanlaki mata ko sa tanong nila, nagulat rin si Kenny at natawa.

"Jami, ako raw ba oh—"

"Bagay po kayo!" Nakangiting sabi ng tatlo.

"Oh bagay raw tayo Jami, paano ba 'yan?" Ngumiwi ako sa sinabi niya.

"Sino daddy mo, baby?" Tanong nila sa anak ko.

"Secret raw po eh." Natawa ako sa sagot ni Amato.

"Daddy mo raw ako? Tara na anak—"

"Ano ba, Kenny." Reklamo ko at hinampas siya sa binti niya dahilan para matawa siya.

"Mommy, miss ko na po kayo ni daddy." Nakangusong sabi ni Amato habang nakaupo sa kandungan ko.

"Sino bang daddy mo? Panay ka daddy-daddy diyan." Mukhang lasing na si Engr. Cariño dahil sa pananalita niya.

"Wala ka namang daddy, iniimbento mo lang yata." Ngumuso si Amato sa sunod na sinabi ni Engr. Cariño.

"Hindi po, may daddy po ako, meron po." Nang maiiyak na si Amato ay napasipa sipa pa siya at magkukuskus na sana ng mga mata not until someone called him.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now