Chapter 44: Fastidious

46 9 109
                                    

Chapter 44: Fastidious




Liezel Jami's Point Of View.




Naupo 'yon sa harapan namin hawak ang test results, "Ma'am gaano na po katagal?" Naglapat ang labi ko dahil nakatingin si Yamato sa akin.

"Yes." Halos mapalunok ako sa naging sagot.

"Anong yes?" Bulong ni Yamato kaya ngumuso ako.

"Sorry, I was just out of my mind. I've been taking meds for more than 2 years. Mas okay sana kung pag-usapan natin 'to ng walang ibang nakakarinig?" Nasulyapan ko si Yamato na nakakunot ang noo.

"Ay, sige po ma'am. Sir, wait niyo lang po ako doon. Pwede po kayo mag-donate, maupo na po kayo para masimulan na." Tumango si Yamato.

"Sure," bago siya tumayo at tinitigan niya pa ako kaya nang makaalis siya ay huminga ako ng malalim.

"I have ASD, 2 years and 5 to 6 months na ang nakalipas." Tumango yung med tech.

"Kaya po pala ma'am, bawal pa po kayo mag-blood transfusions, since may heart drugs ang dumadaloy sa veins niyo papunta sa heart." Ngumiti ako at tumango.

"I understand," I replied.

"Ma'am, samahan niyo na lang po si sir. Matinding hilo po kasi pag makukuhanan siya ng half bag of blood first time niya rin po yata." Tumango ako at lumapit.

Nang tignan ko si Yamato na nakahiga ay lumunok ako, "Hala ka diyan." Pananakot ko.

"Shup up." Masungit niyang turan kaya naupo ako sa monoblock sa tabi niya.

"Yung malaking karayom po sana para mas mabili—"

"Engr. Garcia, enough." Kinakabahan na sabi niya kaya nakagat ko ang ibabang labi.

"Masakit raw 'yan eh, parang hinihigop yung sa ugat mo—"

"Hindi ako natutuwa, umalis ka na lang." pinigilan ko tumawa, kagat labi akong tumango tango.

Nang matusukan siya ay pinanood ko kaagad yung dumaloy na dugo sa mismong intravenous vein, binigyan siya ng ball na pipisilin niya for more blood flow.

Habang pinipisil niya 'yon ay mas nagiging visible yung ugat niya on his hand up to his arms.


Hindi naman sa attractive, medyo lang..


Naghintay ako habang nakanguso, inaantok ako. Nakapikit ngayon si Yamato ngunit ang palad niya ay pumipiga sa bola, sana all bola— I mean— para n-nahahawakan niya like my hand.

Sandali akong yumuko sa tabi ng bed niya, ang tagal eh. Pumikit ako sa mga braso ko, idlip lang talaga. Masyado akong nag hyperventilate kanina.

Naalimpungatan ako sa tapik sa bandang likuran ko, "Engr. Garcia." Dahan-dahan akong bumangon.

"Tapos na?" I asked.

"Yeah," he answered.

Natakpan ko ang bibig at humikab, tumayo ako tsaka lumapit sa kaniya. "Kaya mo?" Tanong ko.

"I can handle, hilo lang." Hinawakan ko na siya sa braso at siko, "Tara." Huminga siya ng malalim at hinayaan na lang ako.

Bumalik kami sa ER and they allowed him to occupy the bed beside Amato. "Daddy, ginawa mo rin 'to?" Turo niya sa dugo na pumapasok sa kaniya.

"Hmm," ngumiti si Yamato.

"Daddy gave you his blood, kaya huwag ka na ma-accident, okay?" Ngumiti siya at tumango.

"Thank your dad." Mahinang sabi ko.

"Thank you daddy," malambing na sabi ni Yamato.

After Amato's blood transfusion, nilipat siya sa isang private room, "Engr. Lapiz, you can go home. Ako na bahala rito, para makapagpahinga ka." I reminded him.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon