Chapter 30: Reality of Relationship

57 7 223
                                    

Chapter 30: Reality of Relationship

Liezel Jami's Point Of View.



As I'm studying every morning, sobrang stressed ko rin, hindi na kasi ganoon kadali ang mga inaaral namin.

Sa gabi at uwian na lang kami kung magkita ni Yamato dahil minsan ay maaga ang pasok niya at magkakaiba ang schedule ng mga klase namin.

Sobrang bilis ng panahon, hindi ko namamalayan but we always get to celebrate our monthsaries and our little achievements.

Every day, it gets tougher and tougher, we've been too busy to go out on dates, he's also working and studying at the same time.

Not until one day, I woke up because of the voices outside the room, I opened the door a little, enough for me to peek.

"Sa tingin mo kaya mong buhayin ang dalagang 'yon? Hamak na mas kaya ka pa niyang buhayin!" Nakita ko ang lolo ni Yamato, si Yamato ay magulo pa ang buhok.

"Tapos pumapasok ka sa kumpanya ng iba na katiting ang sweldo! Hindi mo pa nga bayad ang condo mo! Sa tingin mo sapat ka para sa kaniya?" Nangunot ang noo ko.

Grabe naman yung lolo niya.

"Kahit magtrabaho ka ng nagtrabaho hindi mo matutustusan ang apo ng Sandoval, hihilain mo lamang siya pababa, gugutumin, at hindi mo maibibigay ang lahat ng gusto niya, iyon ba ang nais mo na buhay para sa kaniya?" Huminga ako ng malalim.

Hindi naman ganoon ang ginagawa ni Yamato, "Kung ganoon asahan mong hindi ako aasa sa pangalan mo, at sa kayamanan mo." Sa sagot ni Yamato ay napalunok ako.

"Kahit pa magkanda hirap-hirap ako, hinding hindi ako lalapit sa inyo!" Galit na sabi ni Yamato, halatang umiiyak siya sa kaniyang boses.

At alam ko na ayaw niyang makita ko siyang ganoon ka-miserable, "I will make myself deserving enough for her, don't worry. Labas ka na sa buhay ko," wika ni Yamato.

"She'll end up leaving you for your lack and omissions, tandaan mo 'yan. Ikaw rin mismo ang susuko dahil sa hirap na hirap ka na," mahinang sabi ng lolo ni Yamato.

"I'll prove you wrong," gitil ni Yamato kaya mabilis akong sumampa sa kama at nagpanggap na tulog.


Mula nang araw na 'yon ay, mas kumonti ang oras naming dalawa upang makapagsama, dahil pagkauwi niya ay nag-aaral kaming dalawa, tapos ay matutulog na lang.

Dahil ayoko siyang mahirapan ng husto ay tumulong ako sa gastusin sa bahay, specially sa groceries para sa bahay.

I also studied cooking, kahit hindi ganoon ka-engrande basta ay pagkauwi niya may nakahain na siyang pagkain.

Pagkauwi niya ay nilapitan ko siya kaagad, "How's your day?" I asked, smiling to brighten up his mood.

I helped him remove his jacket, and he smiled. "It's good, hon." Pinilit ko ngumiti sa kaniyang sagot.

I know that it's not, "That's good! I cooked dinner, kain na tayo?" Anyaya ko.

"Let's eat, sakto, gutom na ako." He fakes his laugh and I know how hard it is for him, he's still studying but he's also working.

"I bought you a new jacket, by the way." Natigilan siya sa sinabi ko, "Hindi na dapat hon, marami pa naman akong damit." Sagot niya.

"I mean, terno tayo." Ngumiti siya.

"Thank you, let's have a date on our next monthsary." Tumango ako sa sinabi niya, matapos namin kumain ay kinuhanan ko na siya ng damit.

Pansin ko rin na may sugat ang likuran ng kamay niya, sabi niya office work pero hindi 'yon ang tingin ko.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now