Chapter 58: Grief Of Hearts

50 10 93
                                    

Chapter 58: Grief Of Hearts



Liezel Jami's Point Of View.






Nang lumabas kami para mag-enjoy ay sumama naman si Yamato, "Hoy boss master! Tulungan mo naman kami oh hindi namin maalisan ng kaliskis yung isda!" Reklamo ni Senti kaya natawa ako.

"Iihaw mo?" Nagtatakang sabi ni Yamato, magkahawak ang kamay at mukhang pinatutunog ang bawat joints niya.

"Oo boss master—"

"Ba't mo kakaliskisan, hindi na. Alisan mo na lang ng hasang." Out of curiousity at sinubukan kong tusukin ng daliri ko ang isda.

"Lambot." Bulong ko.

"Mommy, can I touch it too? Is it alive? Can we keep one?" Natignan ko si Amato.

"No baby." Sagot ko.

"Hi kiddo, you like fish?" Nalingon ko si Engr. Cariño.

"Yes." Sagot ni Amato.

"Hindi raw siya mahilig sa tuna." Seryosong sabi ko.

"Huh?" Nagtatakang sabi ni Engr. Cariño.

"Hakdog." I chuckled and walked away with Amato.

Naupo kami sa isang cottage, pinanood ko naman si Engr. Cariño na kinakausap si Yamato may pa-hampas pa sa braso.


Combo ba 'yon?

Package? Kailangan with hampas?


Sinamaan ko sila ng tingin tsaka ako umirap, "Hi." Halos magulat ako sa biglang pagsulpot ni Kenny sa gilid.

"Nandito na pala kayo, nasa banyo pa si Athena. Mamaya raw siya lalabas." Mahinahon na sabi ko, naupo naman siya sa tabi ko sumunod si Kuya Timmy na naupo at nilaro si Amato.

"Anak mo?" Tanong ni Kuya Timmy.

"Yes kuya." Sagot ko.

"Oh?" Gulat niyang sabi.

"Sa ex mo?" Ngumisi na lang ako at hindi siya sinagot.

"Mamaya pa raw?" Bulong ni Kenny.

"Mamaya pa nga." Sagot ko.

"Kinakabahan ako," natawa ako at bahagya siyang hinarap.

"Ba't ka kakabahan? Dapat act normal. Sulyapan mo huwag mong titigan, matipid mong tanguan huwag mong ngitian." Naningkit ang mata ni Kenny at halos mapalo ko siya ng sapuin niya ang mukha ko.

"Tulungan muna kita, kasi may nagseselos na." Natigilan ako sa sinabi niya.

"Huh?"

"Engr. Lapiz is glancing, pasimple." Ngumisi ang labi niya.

"Baka makita ka ni Athena, hindi na." Natatawang sabi ko dahil doon ay nabitiwan niya ako kaagad.

"Ayaw mo no'n? Para mag-isip at kabahan siya. Baka sakaling lumapit siya sa akin at tanungin ako." Halata ko na nababalisa siya kaya naman huminga ako ng malalim.

"Kalma lang dapat." I tapped his back.

"Gusto mo puntahan sa kwarto niya? Katok ka. Kunyare akala mo kwarto ko, katabi lang ang rooms namin." I suggested.

"I'll do it," sinabi ko sa kaniya ang room number tsaka siya umalis.

"Kuya Timmy, hawakan mo muna ha? Tutulong lang ako sa pagluluto." Nakangiting sabi ko, mukhang nage-enjoy naman si Amato at Kuya Timmy.

"Sure."

Lumapit ako doon, "Can I help?" I asked.

"Sure miss madam—"

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now