Chapter 11: Famished Heart

48 9 209
                                    

Chapter 11: Famished Heart

Liezel Jami's Point Of View.

Huminga ako ng malalim at humiwalay sa pagkakayakap niya, tinitigan ko ang mukha niya tsaka ako naawa.

"Kuya Yuno, wake up." I tapped its shoulder but he didn't respond, it seems like he passed out already.

I tried carrying him by putting his arms around my shoulder but I failed. Should I call Kuya Yamato?

Kinuha ko ang cellphone ko at tsaka ko tinawagan si Kuya Yamato, nang sagutin niya kaagad ay nabawasan ang kaba ko.

"Kuya Yamato, can you help me tonight?" I started the conversation, I heard him clearing his throat in the other line.

"What's the problem?" He asked.

"Kuya Yuno is drunk, and I can't help him. He's heavy," mahinang sabi ko kinakabahan sa magiging tugon niya.

"Okay, send me the location—"

"Sa kung saan ka po nalasing noon," I said.

"Ah, what a shame. Sure, I'll be there." Pinatay ko na ang tawag at hinintay siya habang nakatingin ako kay Kuya Yuno na nakapikit na.

Sino ba nanakit sa kaniya?

May girlfriend ba siya? Nililigawan? Taong gusto?

Naghintay kami ng mahigit tatlong minuto bago nakarating si Kuya Yamato na sumakay lang sa taxi.

Mukhang wala siya sa bahay nila kanina, nang makita si Kuya Yuno ay napailing iling siya.

Parehas sila ng reaksyon. Ganyan rin reaksyon ni Kuya Yuno noon eh.

"Did you two drank?" Kuya Yamato asked and carried him to the back of his car.

"Hay nako," bulong ni Kuya Yamato.

"Hindi po ako uminom," sagot ko.

"Sinamahan mo?" Sinuotan niya ng seatbelt si Kuya Yuno na bagsak na yata.

"Hindi po, nagpasundo lang po siya." Pagsasabi ko naman ng totoo, tumango siya at inilahad sa akin ang kamay aabutin ko na sana muli 'yon pero natigilan ako at binigay sa kaniya ang susi.

Muntik na.

"Hop in—"

"Liezel!" Gulat kaming napalingon kay Kuya Yuno na biglang pasigaw na tinawag ang unang pangalan ko.

"Luh," nagtatakang sabi ni Kuya Yamato.

"Gusto mo siya?" Halos mag-init ang pisngi ko ng ituro ni Kuya Yuno si Yamato.

"H-Ha?" Maangan ko.

"Gusto mo siya? Siya?" Turo niya pa kay Kuya Yamato.

"Kuya Yuno ano ba? Ganiyan ka ba malasing." Bulong na sita ko at ginigising siya habang nasa likod.

"Ako ba?" Turo niya bigla sa sarili niya kaya nagtaka ako.

"Ano po?" Napalunok ako nang abutin niya ang pisngi ko.

"Ako?" Nangunot lalo ang noo ko, gulong gulo sa sinasabi niya.

"Ano po? ikaw?" Turo ko sa kaniya.

"Hayaan mo na, lasing lang 'yan. Sumakay ka na Jami," maayos na sabi ni Kuya Yamato.

Tatayo na sana ako pero hinawakan ni Kuya Yuno ang kamay ko at dahil doon ay natigilan rin si Kuya Yamato.

"Kuya Yuno," pag-gising ko sa kaniya.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now