Chapter 64: Petty Fights

63 6 104
                                    

Chapter 64: Petty Fights



Liezel Jami's Point Of View.


"Doon ka na sa kwarto mo," mariing sabi niya.

"I mean, anong abogado ko?" Tanong ko.

"Naiintindihan ko na yung dahilan kaya gusto mo na tumigil noon, kung anong desisyon mo go ahead." Napatitig ako sa mukha niya at pinigilan ngumiti.

Salubong ang makapal at itim na itim niyang kilay habang masama ang tingin niya sa kung saan habang sinasabi 'yon. "Nagseselos ka ba?" Natatawang tanong ko.

"Hindi." Sagot niya.

"Ba't ako magseselos? Asa ka," masungit niyang sabi at umiwas tingin.

"Bakit sabi mo abogado ko?" Kwestyon ko.

"Sinabi ko bang doon ka ha sa engineer mo?" Singhal ko.

"Ano?"

"Nang halikan ka ni Engr. Cariño," bulong ko.

"Tsk. Doon ka na sa kwarto mo."

"Yamato, c'mon. Don't be like this," wika ko nagpipigil tawa.

"Gusto mo na ako ulit?" Kwestyon ko.

"Hindi." Masungit niyang sagot.

"Matutulog na ako, bye." Humiga siya at nagtakip ng kumot hanggang ulo niya kaya napangiti ako.

Umusad ako sa tabi niya, "Amoy selos oh." Asar ko.

"Nagseselos ka sa abogado KO?" Natigilan siya at nahawi ang kumot niya.

"Edi doon ka." He sulked.

"Doon ka na nga, alis." Mahinang tulak niya pa sa akin.

Nakangisi tuloy akong umalis sa kama niya, "Samahan kita matulog gusto mo?" Asar ko.

Naningkit ang singkit niyang mata, "Ayaw ko. Alis." Bugaw niya pa na para bang isa akong lamok o langaw sa ere.

Ngumisi ako lalo, "Sabihin mo lang, hon." Asar ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata, "Matulog ka na, pagod ka 'di ba?" Huminga ako ng malalim.

"I'm willing to stay up late with you," I smirked and tried to come near him but then he glared at me. That's why I stopped and backed off.

"Fine. Goodnight." Malambing na sabi ko.

"Night." Matipid niyang sabi, seryoso ang tingin at parang gusto akong lockan ng pinto sa sobrang kulit ko.

Pumasok na ako sa kwarto ng nakangiti habang yumakap kay Amato, hindi naman naging mabagal ang oras dahil tulog kaagad ako.



"Look, maayos akong nagt-trabaho para maging maayos ang itinatayo natin na building at ano? Bibigyan niyo ako ng kanang kamay?" Galit na sabi ko sa telepono, kausap ang kumpanya namin.

"At sino? Si Engr. Cariño pa? Manhid ba kayo at hindi niyo alam na may alitan kami sa isa't isa?" I added, glaring at the blue skies.

"Ma'am, naka-pirma na po kasi si Engr. Cariño, wala na rin po kaming magagawa pa." Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"No, I want to talk to Mr. Teloso."

"Ma'am, b-baka po matanggalan ako ng trabaho niyan pag ipinilit ko ma'am." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Nakakainis naman kasi, okay. Fine. Ako na bahala, stay out of this and protect your work. Bye." Pinatay ko ang tawag sa inis.

Nasapo ko ang noo, lintek na Engr. Cariño 'yan. Nakakainit ng dugo, stove ba siya?

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now