Chapter 18: His Game

56 10 35
                                    

Chapter 18: His Game


Liezel Jami's Point Of View.

Ngayon ay magkakasama kami sa iisang table, "Jams, alam mo ba si Yamato. 'Di ba pumunta kami sa Cebu?" Napatitig ako sa pagkekwento ni Senti.

"Opo?"

"Tapos pumunta kami sa bazaar, or tiange, you know the things they sell that are all affordable?" Wala pa man ay natatawa na ako dahil sa pigil ngiti ni Cane at Yamato.

"Oh? Tagal mag-kwento Sents." Sita ni Serina.

"Epal, doon ka nga," bardagulan na naman nila.

"So, ayon, nagtataka kami nang sabihin niya na, Magkano po itong mukha ni Leonardo Dicaprio? Tanong niya sa nagbebenta," nakagat ko ang ibabang labi dahil natatawa na sila.

"Tapos kami naman nagtaka, tapos sabi ng nagbebenta, Sir, Salamin po 'yan." Nang humalagapak sila ng tawa ay nasapo ko ang mukha sa kahihiyan.

"Kapal ng mukha ampucha!" Humahalagapak na tawa ni Cane.

"Feeling ampota," Senti added and laughed out loud.

"Bobo," bulong ni Yamato natatawa rin.

"Sa daming kamukha gusto mo pa maging Jack ng Titanic, kinginang kakapalan ng mukha 'yan—"

"Gwapo naman po talaga si Engineer Lapiz," sa sinabi ni Mandy ay napangiti ako ngunit si Yamato ay nahihiyang napalunok.

"Ah hehehe."

"Tangina, sana all." Bulong ni Cane.

"Gwapo rin naman po kayong dalawa, mas gwapo lang po si Engineer Lapiz kasi maganda yung lahi niya," bulong ni Mandy kaya nakagat ko ang ibabang labi at pasimpleng sinulyapan si Yamato, napatinga ako dahil mas matangkad rin siya sa akin pag nakaupo.

"Wow, confirming?" Bulong niya kaya naman pinigilan ko ngumiti at pinagkrus ang braso ko upang deadmahin siya.

"Ganda naman ng flowers," turo ni Serina.

"Sana all binigyan 'no? 19 na ako wala pa rin akong natatanggap na bulaklak, sampaguita lang." Natawa ang lahat sa sinabi niya.

That day ended well, and I preserved the flower he gave me to make it a dried flower.

Next three days, it's already Wednesday. The classes started normally again. "Jams," nalingon ko ang humabol sa akin.

Hingal na hingal siya at may dalang paper bag, "Aalis na ako hon, may recitation kami. Eat this! I'll see you!" Napapikit ako nang mabilis niyang dampian ang pisngi ko matapos ipahawak sa akin ang paper bag tsaka siya patakbong umakyat sa hagdan.

Natulala ako sa tinakbuhan niya, napalingon ako sa ibang students na nagbubulungan dahil sa natuklasan nila.

Nakagat ko ang ibabang labi, nag-iinit ang pisngi kong mabilis na umakyat sa hagdan upang pumunta sa classroom namin.

Yamato, umiilan ka na. T_T

Pagkaupo sa classroom ay naupo kaagad sa tabi ko si Serina at Mandy, "Be, may recitation rin tayo! Yung professor talaga natin nakakainis, surprise pa!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mandy.

"S-Saang part?"

"Random be!" Natataranta nilang binuksan ang noted at nagbasa basa kaya ganoon rin ako.

"Nakakainis na talaga, katatapos lang natin maglagas ng buhok sa exam, recitation na naman!" Inis na bulong ni Serina at napakamot sa kaniyang ulo.

Ngumuso ako at nag-aral na lang, pagkatapos na pagkatapos ng recitation ay may ilang beses na nagkamali ako ngunit normal lang naman 'yon dahil surprise.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now