Chapter 32: Left Alone

65 9 109
                                    

Chapter 32: Left Alone

Liezel Jami's Point Of View.


Since that day, we've been okay, nagkakaroon na siya ng time sa akin, minsan na lang siya umuwi ng late, hanggang sa isang buwan ang nakalipas ay malungkot siyang umuwi.

Itinigil ko ang pagbibilang ng pera, tsaka ako lumapit. "What's wrong honey?" Malambing na sabi ko at kinuha ang gamit niya.

Yumakap lang siya sa akin, "Pagod na ako hon." Huminga ako ng malalim at hinagod ang likuran niya.

"Pahinga ka muna, I'll cover for this month." Naupo kami sa sofa, sumandal siya at pumikit.

"K-Kukuha ako ng damit mo, para makaligo ka na ha. Kumain ka na ba ng dinner?"

"Hmm, I already ate." Tumango ako sa sinabi niya.

Matapos ko siya kuhanan ng damit ay dinala ko 'yon sa banyo, I even prepared warm water for him. Sobrang lamig kasi sa condo.

Habang naliligo siya ay hinati-hati ko yung kita ko sa commission para sa babayarin, inilagay ko sa puting envelop ang fifteen thousand for monthly of our condo.

Kinuha ko ang bills namin, inilagay ko sa other envelop ang lilibuhin para sa kuryente at tubig namin, medyo mataas ang kuryente dahil dalawa ang aircon at parating naka-sindi ang mga ilaw.

May ref and heater rin kami kaya normal na 'yon, matapos ko itabi ang mga 'yon ay sinulatan ko sila ng label.

Nang tignan ko ang wifi bill namin ay napalunok ako at binuksan ang wallet ko ngunit isang libo na lang ang natitira sa akin, hindi ko pa man din ginagamit ang allowance ko for our bills, magagalit siya.

Nasapo ko ang labi, paano kaya? Nang bumukas ang pinto ay naitago ko ang wallet. Pinupunasan niya ang buhok niya using his little towel for his hair, he sat beside me.

"Pahinga ka muna kaka-work, okay? Kahit 1 week lang, kailangan mo 'yon." Napatitig siya sa akin.

"Ako muna magbabayad sa lahat, okay?" Hindi siya makasagot.

"I can still make it fifty-fifty," he stated kaya umiling ako.

"Just this month, honey." Sumandal ako sa dibdib niya, pasimpleng suminghot dahil sobrang bango niya, grrr!

"Then I won't call this my condo, this is our condo now." Napangiti ako at natuwa sa kaniyang sinabi, tumango tango ako.

"Great!"

"Okay, you have the right to change everything in this condo." Yumakap ako sa kaniya sa sobrang tuwa.

"But don't touch my comics, my shoes, and my figurines collection, especially my instruments." Umawang ang labi ko sa sinabi niya, yeah right.

"Then don't touch my books, I love them as much as I love you." Natawa siya sa sinabi ko, "'Yung nga sandals and bags ko, huwag mo gagalawin ha? Pero pwede naman basta huwag yung libro ko." Ngumiti siya at tumango.

"Yupiin ko lang kaunti—"

"Aapakan ko sapatos mo—"

"Joke lang," bawi niya kaagad.

And that goes on, I paid everything for the month as he took a rest from work for a week.

Naging busy ako sa studies ko at ganoon rin siya, nang bumalik siya sa trabaho ay hindi ko rin gaano namalayan ang pag-uwi niya ng late dahil busy rin ako.

Habang nagbabasa ako ay naalala ko tignan ang mail dahil nakita kong may naghulog doon kanina, habang wala pa si Yamato ay binuksan ko ang lahat doon.

Ngunit natigilan ako nang makita ko ang isang mail, natulala ako habang napapalunok.


Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now