Prologue

98 1 1
                                    

P R O L O G U E
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Buti ka pa, linis-linis lang ng kuko," nakangusong sabi ni Nate.

Malakas na tumawa si Olie kaya mas lalong napanguso ang dalawa niyang kaibigan. Ngayon ay nasa tambayan lang sila habang break time.

"Pinili niyong mag drafting eh, panindigan niyo 'yan," mapang-asar na sabi ni Olie saka prenteng sumandal sa upuan.

"Edi ikaw na chill d'yan sa beauty care mo," nagtatampong sabi naman ni Cary.

Nakangising napa-iling na lamang siya saka tumingala. "Hindi rin naman madaling maging beauty care students 'no. Lagi ka dapat may dalang mga gamit na kailangan sa nails at iba't-iba pa-"

"Mas pipiliin na naming magdala ng mga gano'n kaysa naman sumabog utak namin kaka solve ng mga 'to!" inis na sigaw ni Cary saka marahas na tinapon ang papel na kanina niya pa sinasagutan.

Agad namang napaupo si Olie ng makita niyang pumunta ang papel sa may putikan. "Hoy 'yung papel mo gago."

Nanlalaking matang tinakbo naman ni Cary ang papel niya. Bago pa man niya mahawakan iyon ay agad ng may nauna doon.

"Hehe, muntikan na," matinis na sabi ng isang babae.

Palihim siyang napangiwi ng makitang hindi pa pantay ang liptint na nasa labi niya. Palihim siyang napa-irap ng makitang sobrang dumi pala ng kuko niya.

Simula noong naging beauty care student siya ay halos bawat taong nakikita niya ay laging bumababa ang mga mata niya sa mga kuko nila. Tinitignan niya kung inaalagaan ba ng mga tao ang kuko nila at hindi.

At halos kalahati ng mga taong nakikita niya ay hindi nila inaalagaan ang mga kuko nila. Kahit naiirita siya ay hinahayaan niya na lamang. Wala naman dapat kasi siya paki sa mga kuko nila.

"Thank you miss," magalang na sabi ni Cary.

Akmang magsasalita pa ang babae ng agad na siyang talikuran ni Cary. Dahilan para maiwan nakatulala doon ang babae. Mukha itong na basted ng kaniyang crush.

Napailing na lamang si Nate at nangangasar na tinapik si Cary sa balikat. "Ang dami talagang nagkakagusto sa'yo."

"Hindi sa'akin may gusto 'yun tanga. Kanina ko pa siya nakikitang tumitingin kay papa Olie," nakangising sabi niya kaya agad napangiwi ang binata.

"I'm not shocked. We're used to it," nakangising sabi ni Nate.

"Me too!" pagsang-ayon naman ni Cary.

Napa kibit-balikat na lamang si Olie. "Ang hirap talagang maging gwapo."

Agad siyang umiwas ng ihagis ng dalawa niyang kaibigan ang hawak nilang ballpen.

"Sumama timpla ko sa'yo," nakasimangot na sabi ni Cary.

"Ang taas mo talaga, Olie," dagdag ni Nate habang tinatanaw ang langit na animo'y nandoon siya.

Napailing na lamang siya at inayos na ang mga nakakalat na gamit dahil malapit ng mag time.

"Tara na. Malapit na pa lang mag time," aligagang sabi ni Cary at inayos na rin ang gamit na nakakalat.

"Shit. Hindi ko pa tapos 'to! Pakopya ako, Cary," nagmamakaawang sabi ni Nate.

Agad namang tinapik ni Cary ang balikat ni Nate. "Akong bahala sa'yo."

Nag kaniya-kaniya na sila ng alis. Malayo kasi ang building ng drafting at beauty care. Mag classmate sina Cary at Nate habang siya ay nag-iisa lang na beauty care na lalaki.

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now