Chapter 44

5 1 0
                                    

C H A P T E R 4 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Breaking news: Isang istudyante na nagngangalang Lillia Natalie Guinta ay may kumalat na sex video ng isang teacher na si Hudson Talcedo. Pm na lang kayo kung sino mag pa pasend

At marami pa siyang nakikita sa facebook na post tungkol sa video na iyon. Malakas na bumuntong hininga si Lia at mariin na sinabunutan ang sarili. Siya na sana ang magkakalat ng video na iyon upang ipahiya si Hudson at makasuhan ito ngunit naunahan siya ni Hudson. 

At sa video na inupload nito ay hindi siya umiiyak o nagmamakaawa lang man na tigilan niya na ang pagpilit sakaniya. Mukhang gumawa ng paraan si Hudson upang palabasin na nasasarapan doon si Lia. 

Umiling na lamang siya ng bigla na lamang bumalik ang panahon na iyon sa isip niya. Pagtungtong niya ng 17 ay kahit na bata pa siya ay nagpumilit siya sa ibang mga tindahan noon na mag trabaho doon upang may kitain siya. 

At laking pasasalamat niya sa diyos dahil bigla na lang dumating si Maria sa buhay niya. Ang isang may-ari noon ng maliit lamang na tindahan ng mga damit. Hinire siya ni Maria at tinulungan niya ito na mas lalong lumago ang negosyo niya. Habang si Maria naman ay tinulungan siya upang maka graduate siya sa malaking university. 

At ngayon ay malago na ang negosyo ni Maria habang siya ay naging successful ng caregiver, katulad ng pinangako niya sa sarili at kay Olivia. 

"Ang boring talaga ng buhay mo," nakangiwing sabi ni Maria habang inaayos ang mga damit. 

"It's not boring. You're just an outgoing person, while I'm not," she defended. 

Umirap si Lia saka hiniga ang likod sa sofa. "I really can't go to the club later. My body is so tired." 

"Lagi ka banaman nag-aalaga eh," natatawang sabi niya kaya hindi niya maiwasang mahinang matawa. 

"That's my job," she proudly said. 

Umupo si Maria sa harapan niya saka tinukod ang baba sa kamay. "Habang buhay ka na bang mag-aalaga ng ibang tao?" 

Malakas na bumuntong hininga si Lia saka nag kibit-balikat. "I don't know. I'm just going with the flow of my life." 

"Going with the flow of my life pala ah." 

Agad nanlaki ang mata ni Lia ng buong lakas siyang hinila ni Maria sa braso at hinila papunta sa labas ng bahay nila. Hindi na nakapag pumiglas si Lia ng malakas siyang tinulak ni Maria sa backseat. 

Natagpuan niya na lamang ang sarili na hila-hila siya ni Maria habang nasa loob na ng club. Agad napatakip si Lia ng tenga dahil sa lakas ng tugtog. 

"Yan dito ka lang, hahanapin ko pinsan kong bobo." 

Hindi na siya nakasagot ng bigla mawala si Maria sa paningin niya. Napa buntong hininga na lamang siya saka inikot ang paningin sa buong paligid. Hindi naman masyadong maraming tao pero nag kukumpulan silang lahat sa gitna kaya hindi maayos makita ni Lia ang paligid. 

"You want drinks, ma'am?" 

Agad siyang napaharap sa nagsalita. 

"Just one cocktail, please." 

Ngumiti naman sakaniya ng malawak ang bartender. "Right away, ma'am." 

Pinanood niya lamang ang bartender na gawin ang cocktail bago ito binigay sakaniya. Nagpasalamat siya at tipid na ngumiti dito saka dahan-dahan ito iniinom. 

"Lia!" 

Agad siyang napalingon kay Maria na ngayon ay may hila-hila na siyang matangkad na lalaki. Hingal silang tumigil sa harapan ni Lia. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now