Chapter 47

5 1 0
                                    

C H A P T E R 4 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Sinubukan nila Lie na ayain si Lia na samsahan sila manood ng movie ngunit tumanggi ito dahil aalagaan niya pa raw ang nanay nito. Wala naman ibang nagawa si Lie kung hindi hayaan na lamang si Lia.

"Baka mamaya maging torpe ka na naman," nakangiwing sabi ni Nate habang prenteng naka sandal sa upuan.

"Alam mo pre, matatanda na tayo. Baka idahilan mo na naman sa'amin na hindi pa siya handa kaya hindi ka aamin," dagdag pa ni Cary.

Malakas siyang bumuntong hininga at tinikman ang alak na hawak. Napagdesisyunan na lamang nila na huwag ng manood ng movie at mag-inuman na lang habang nag kwe-kwentuhan.

"This time, I'm not going to let her go, I've been waiting for her for five years, and five years is enough," he said seriously.

Sabay na napalakpak ang dalawa sa tuwa.

"Hindi na binata si Olie natin," natatawang sabi ni Cary at pinatunog ang dalawa nilang baso.

"Simulan na ba namin mag-ipon ng regalo namin sa magiging inaanak namin?" nakangising dagdag ni Nate.

Sinamaan niya naman ng tingin ang dalawa. "Gago."

Sabay silang natawa ng may pang-aasar. Wala na ibang nagawa si Lie kung hindi umiling na lamang saka tumitig sa maaliwalas na ulap.

Sa totoo lang ay simula noong kinausap niya nag boss ni Lia ay marami ng nabuo na plano sa isip niya. Hindi niya na 'nga alam kung ano ang uunahin doon. Pero ang kailangan niya ngayon ay maglakas ng loob upang magawa ang lahat ng plano nya.

Marami pa silang pinag kwentuhan hanggang sa lumalim na ang gabi at lasing na lasing ang dalawa kaya nagpatulong na siya kay Mang Roel na dalihin ang dalawa sa guests room.

Siya na nag ligpit ng kinalat nila saka pa gewang-gewang na pumunta sa kusina. Hindi naman siya lasing, hinahayaan niya lang ang katawan na magpa gewang-gewang.

"Careful."

Agad nanalaki ang mata niya ng makitang hawak-hawak na siya ni Lia sa braso. Napagtanto niya na muntik niya na pala niyang mabasag ang vase dahil sa pa gewang-gewang siya.

Wala sa sariling ngumiti siya ng malawak kay Lia na halatang nagulat din sa bigla niyang pag ngiti. Hindi niya na napigilan ang sarili na hilain ito payakap sakaniya at isiksik ang ulo sa balikat nito.

When Lie inhaled Lia's natural scent for the first time in the past five years, he suddenly felt taken back to where he used to be home.

"Olie, are you okay?" She tapped his back.

Tumango lang siya at mas lalong siniksik ang ulo sa balikat ni Lia. Hindi naman siya lasing pero parang lumilipad ang utak niya at wala na siyang pake kung ano ang ginagawa niya.

"Please, don't leave me again," he begged, and he tightened his hug on Lia.

Naramdaman niya ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ni Lia saka siya hinawakan sa magkabilang pisngi at buong lakas na pina-angat siya ng tingin.

"Sorry for leaving you without words. Promise, this time I will never leave you again," she softly said while caressing his cheeks.

Hindi na napigilan ni Lie na pigilan pa ang mga luha na paang gripo na tumulo habang nakatitig sa mala dyosang mukha ni Lia. Hindi niya maiwasang matawa.

"You're crazy. Stop laughing while crying!" she pouted while wiping away his tears.

Instead of stopping, he laughed even harder while staring at the worried face of Lia. "Funny how I still see you as dyosa."

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang