Chapter 29

4 1 0
                                    

C H A P T E R 2 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Hindi na napigilan ni Lia na mapangiwi habang pinapanood si Lie na maglinis at maghugas sa buong kusina nila. Kanina niya pa sinabi na hayaan na lang na makalat ang kusina, ngunit nag pumilit pa rin ito. Kaya wala na siyang ibang nagawa kung hindi hayaan na lang ito. 

"Kanina mo pa ba ko pinapanood?" nakangising tanong ni Lie kaya agad siyang nabalik sa reyalidad. 

Agad siyang umiwas ng tingin ng maramdamang namula ang buong mukha niya. Ng marinig ang masarap sa tenga na halakhak nito ay mas lalo siyang namula. Niyakap niya na lamang ang unan hanggang sa matapos na si Lie. 

Agad siyang napaupo ng niluhod ni Lie ang isa niyang tuhod. Akmang papaupuin niya na ito sa ng marahan nitong hinawakan ang kamay niya at dinala iyon sa isa niyang tuhod na hindi nakaluhod. 

"Sorry. Sorry kasi hindi kita tinulungan kanina. Sorry kasi hindi man lang kita kinamusta kanina at sorry kasi ngayon lang kita nakamusta. Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa'yo kasi hinayaan mong masaktan ang sarili mo para lang ma protektahan ang mama ko." 

Habang nakatitig siya sa malamlam nitong mga mata, natutunaw ang puso niya. Kitang-kita niya nag matinding pagsisi nito. 

Malakas na bumuntong hininga ang dalaga saka pinisil ang kamay niya. "You don't have to say sorry. Lie. I know that you have to put your mom first before anything else. I understand that, and I'm not totally crippled either, so you don't have to worry. And besides, I'm used to this kind of pain. " 

"And that's what I hate about you. You used to feel that kind of pain," he seriously said.

Ramdam na ramdam ni Lia ang matinding galit na bumabalot kay Lie habang sinasabi iyon. Napabuntong hininga na lamang siya at pinisil muli ang kamay ni Lie. 

"Gabi na. You better go-" 

"Mamaya na. Ikaw lang bang mag-isa dito?" tanong niya at nag indian sit sa lapag. 

Pinigilan na lamang ni Lia na sabihing umupo na lang siya sa tabi nito dahil alam niyang tuluyan na siyang manghihina. 

Tumango siya. "My mom is on vacation."

Tumango ito saka tumingin bigla sa mata niya kaya agad napalabi ang dalaga. Hindi niya alam ang tamang iaakto sa harapan nito kaya kumurap na lamang siya ng paulit-ulit. 

"Pwede bang gamutin ko 'yan?" nakangiwi niyang tanong at tinuro ang braso niya. 

Ng lingunin niya ang braso, napagtanto niya lamang na sariwa pa pala ang mga kalmot sakaniya ni Matilda. Nakalimutan niya na rin pala na nakalmot siya ni Matilda. 

Tumango siya saka tumayo. Mabilis naman na tumayo si Lie at maingat na nilagay ang malaking kamay sa likuran niya. Pero hindi niya naman naramdaman na nakalapat ang palad nito sa likuran niya.

"Saan ka pupunta?" 

"In my room. I will keep my room door open so you can go to my room without feeling shy." 

Tumaas ang kilay ni Lie. "At sino nagsabing nahihiya akong pumasok sa kwarto mo?" 

Agad siyang tumigil sa paglalakad. "Your face says it all."

Nakita niya kasing namula ang mukha nito kaya alam niyang nakakaramdam siya ng hiya. Sa tuwing magkasama kasi sila ay palihim niyang kinikilatis ang binata. 

Mariin na kinagat ni Lie ang labi niya saka marahang hinawakan ang ulo ni Lia upang ipaharap sa hagdanan. "Oo na. Sige na maglakad ka na." 

Napailing na lamang si Lia at dahan-dahan umakyat. Todo alalay naman sakaniya si Lie hanggang sa tuluyan na sila makarating sa harapan ng kwarto ni Lia. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now