Chapter 1

40 2 0
                                    

C H A P T E R 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Nanatiling malamig ang mukha ni Lia habang naglalakad siya papunta sa upuan niya. As usual, hindi laging matatapos ang araw niya ng hindi siya nakakarinig ng mga salitang 'teacher's pet' o kung ano pa mang pang-iinsulto. 

Naka pwesto ang upuan niya sa pinaka likuran ng room kaya kita niya ang lahat. Ng umupo na siya sa kaniyang upuan ay kitang-kita niya ang nakangising mga labi ng kinaiinisan niyang tao sa buong mundo. 

"Sir Hudson ako naman po! Alam ko sagot d'yan!" nakangiting sigaw ng isa niyang classmate na babae. 

Napa-irap na lang siya at tinaasan ng kilay ang teacher nila na nakangisi sakaniya. Ng mawala ang tingin nito sakaniya ay tumaas ang kilay niya. 

Matagal niya na itong gustong suntukin sa dalawang ulo ng guro upang matuluyan na siya. Ang kaso lang ay hindi niya magawa. Una ay dahil wala siyang masyadong lakas at tapang para gawin iyon. at ang pangalawa ay dahil sa sobrang hina niya hindi niya na naiipagtanggol ang sarili niya. 

Isa pa ay napaka useless lang 'nun kung sakaling manlalaban siya dito. 

Nagsimulang mag sulat si sir Hudson sa board ng mga math equation. Dahilan kaya ang mga classmates niyang matatalino, mapababae man o mapalalake ay halos mabaliw na kakataas ng kamay. May iba pang sumisigaw para tuluyan siyang mapansin ng guro. 

Siya lang ang ka isa-isang istudyante doon na seryosong nanonood lang sa mga baliw na mga classmates niya. 

"The last question will be answered by Lia."

Ang lahat ng mga ulo ay napa lingon sakaniya. Kitang-kita niya ang palihim nilang pagsama ng titig sakaniya. Pero katulad ng dati, sanay na sanay na siya. 

"Siya na naman amputek." 

"Hindi ba nagsasawa si sir sa mala freezer niyang mukha? Kasi ako, sawang-sawa na."

"Pinanindigan niya na talaga 'yung pagiging teacher's pet niya?" 

Malakas siyang bumuntong hininga upang pigilan ang sarili na hagisan sila ng kung ano-ano sa mga pangit nilang mukha. 

"Mawalang galang na ho, sir, pero dalawang equation na ang nasasagutan ko. Marami naman po d'yan ang gustong magsagot niyan," malamig niyang sabii habang nakatitig ng diretsyo sa mata nito. 

Napuno ng mangha ang mga mata nito at mas lalong lumawak ang ngisi. Pinilit niya ang sarili na huwag ngumiwi dahil baka malintikan siya dito. 

Ang ngisi ay napalitan ng malawak na ngiti ng makitang humarap na sakaniya ang mga classmates niya. 

"Hindi mo ba alam kung paano i solve ang equation na 'to? Gusto mo bang turuan kita sa faculty ko para-"

"I know that, of course," mabilis na sabi niya at naglakad na papunta sa harapan ng board. 

Maingat niyang kinuha ang chalk na nasa kamay nito. Nakahinga siya ng maluwag ng makuha niya iyon ng hindi nagdidikit ang kanilang mga daliri. Agad na siyang tumalikod at nag sagot sa board. 

Mas pipiliin niyang magsagot na lamang sa board at manatiling nakatayo habang nag di-discus si sir Hudson kaysa pumunta sa faculty nito. 

Dahil alam na alam niyang ibang ang ituturo sakaniya ng guro. 

Ng matapos ay malakas na pumalakpak si Hudson. Akmang ibabalik niya na ang chalk ng biglang hilahin siya ng guro paharap sa mga classmates niya. Bahagya nitong niyugyog ang balikat niya. 

Kitang-kita niya ang mga pekeng ngiti ng mga classmates niya sakaniya. Pero wala na siyang paki doon. Gusto niyang itulak ang guro na hawak siya dahil nandidiri siya dito. Mukhang ilang beses na naman siyang maliligo nito mamaya bago matulog. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon