Chapter 34

4 1 0
                                    

Trigger Warning

C H A P T E R 3 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Ng maramdaman ni Lia ng unti-unting tumataas ang kamay ni Hudson sa hita niya ay doon na bumalik ang lakas niya. Ng tignan niya ng mariin si Hudson ay nakatingin ito sa hita niya na naka labas. 

Naka skirt kasi siya kaya kitang-kita nito ang maputi at makinis niyang hita. Kitang-kita rin ni Lia sa mga mata ni Hudson ang matinding pagnanasa at pagkamangha. Agad nanlaki ang mata ni Lia ng nakaabot na sa tuhod ang maduming kamay ni Hudson. 

"Mahahawakan na rin kita sa wakas," nakangising sabi niya at akmang pupuntahan niya na ang target niya ng mabilis na sinipa ni Lia ang tyan nito. 

Ng makitang nakahiga na ito sa sahig ay mabilis siyang tumayo at naghanap ng bagay na pwede niyang ipang takot kay Hudson. 

Tumawa ito ng malakas pero ramdam niya ang matinding galit doon. Hindi niya na maiwasang kabahan pero pinilit niya ang sarili na kumalma. 

"Natuto ka ng lumaban ah. Saan mo 'yan natutunan? Sa mga basura mong kaibigan-" 

"Don't ever call them trash again!" she angrily shouted and threw the fragile little vase at Hudson.

Kitang-kita ni Lia na bumalatay ang kaba at gulat kay Hudson pero agad din namang bumalik ang nakaka intimidate na awra niya. 

Marahas na pinunasan ni Lia ang basa niyang pisngi at ang mata niya ng bigla iyon nanlabo dahil sa luha. Halo-halo na ang emosyon niya kaya hindi niya alam kung bakit siya umiiyak. 

"We both know who the trash really is," she whispered and she bravely stare at Hudson's eyes. 

Hindi siya nagpatinag ng bigla na lang ngumisi ng malawak si Hudson na para bang mas lalong nagiging masaya dahil naging palaban na siya. 

"Natuto ka lang lumaban dahil alam mo na may mga kaibigan ka na," nanunuya niyang sabi at tumayo. Mabilis na kinuha ni Lia ang isa pang vase na nasa gilid niya, pero this time ay malaki na iyon. 

Dahil 'nga malaki iyon ay nahirapan siya na buhatin lang kaya niyakap niya na lang iyon gamit ang isa niyang braso. 

"Pero kung wala kang kaibigan ngayon, siguradong nahawakan na kita- no, nawasak na ki-" 

"Stop being bullshit, Hudson," puno ng talim niyang sabi kaya mas lalong gumuhit ang paghanga sa mata ni Hudson. 

Mas lalo siyang nainis sa itsura nito pero pinilit niya ang sarili na huwag muna ibato sa pagmumukha nito ang vase na yakap. 

"I really want to fight you, but fear precedes me. I let you give me orders and make me your dog, but by the time you touch me again, I will not hesitate to kill you, Hudson. If I let you order me before, I'm not going to let you now. Hudson, remember, I will never be scared of you again. I'm done being weak," she coldly said while staring intensely at Hudson's eyes. 

Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay hindi niya maiwasang purihin ang sarili. May kung anong nawala na mabigat na bagay sa dibdib niya kaya mas lalo siyang nagkalakas ng loob. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng sapat na lakas upang sabihin iyon kay Hudson. 

Pero isa lang ang taong nasa isip niya ngayon. Si Lie. Habang pataas ng pataas ang kamay ni Hudson kanina sa hita niya ay bigla na lang pumasok sa isip niya si Lie. Hindi lang para sa sarili niya kaya siya lumalaban ngayon kay Hudson, para rin kay Lie. 

Dahil sigurado siya na kapag nalaman ni Lie na tuluyan na siyang nagahasa ay masasaktan ito. Kilala niya na masyado si Lie, kapag nagalit ito ng labusan ay walang makakapigil sa sakali niyang gagawin. Wala siyang pinapakinggan kung hindi sarili niya lamang. At masasaktan din ito at baka sisihin niya rin ang sarili dahil wala man lang siyang nagawang paraan para ma protektahan siya. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon