Chapter 50

13 1 0
                                    

C H A P T E R 5 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

At katulad 'nga ng napagplanuhan nila ng ginang, ay sinurpresa nila si Lie. Pero bago iyon ay tinuruan muna siya ng ginang na magluto ng iba pang potahe upang may makain sila.

Ngayon ay kasama nila sina Nate at Cary dahil wala naman daw silang ibang gagawin kaya sumama na lang din sila. Ngayon ay pa byahe na sila papunta sa Salon ni Lie kung saan siya nag tra-trabaho ngayon.

"Hanep, ikaw ang nililigawan pero ikaw ang mag su-surprise," nakangising sabi ni Cary kaya hindi niya maiwasnag mahinang matawa.

At sa inaasahan ay nanigas sa kina-uupuan ang dalawa habang hindi makapaniwalang nakatitig lamang sakaniya.

"Totoo ba 'tong nakikita ko?" bulong ni Nate.

Agad naman siyang hinampas ni Cary sa balikat. "Gising gago, baka nasa panaginip lang tayo."

Nagkatinginan naman sila ng ginang at sabay na napa-iling sa kinikilos ng dalawa. Para kasi silang nakakita ng multo at pilit na pinapatunayan sa sarili na wala sila sa panaginip.

"Wala kayo sa mga panaginip niyo iho, kahit ako noong una kong nakita ang ngiti ni Lia sobra akong nabighani. Inaakala ko rin na nasa panaginip ako dahil ang mga matatamis niyang ngiti ang bumungad sa umaga ko," nakangiting sabi ng ginang kaya sabay na napa awang ang mga labi.

At hindi na inaasahan ni Lia ang sumunod na nangyari. Bigla na lamang siyang niyakap ng dalawa at nag sisigaw ng kung ano-ano. Hindi niya na iyon naiintindihan pa dahil sabay na silang sumisigaw at sinabayan pa iyon ng tawa ng ginang. Wala na siyang ibang nagawa kung hindi matawa na lang din.

"Grabe Lia! Binabaliw mo kaming lahat sa ngiti mo," naiiyak na sabi ni Nate at nanggigigil na pinisil ang ilong niya.

"Kaya siguro gano'n 'yung naging reaksyon ni Olivia ng una niyang makita ang ngiti mo," nakangiting sabi naman ni Cary at marahang ginulo ang buhok niya.

Smiling, she nodded. "I don't regret that she was the first person I showed my smile to."

Kahit na hindi niya talaga sinasadya na ipakita kay Olivia ang ngiti niya ay nagpapasalamat pa rin siya sakaniyang sarili. Dahil kung hindi niya pinakita ang ngiti niya noong nabubuhay pa si Olivia, hinding-hindi niya na iyon maiipapakita pa sakaniya kahit kailan.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Seryoso lamang na nakatingin si Lie sa isang costumer na kanina pa uma-atitude sa Salon nila. Kung hindi lamang siya professional ay baka kanina niya pa ito nasabunutan ng walang tigil.

"Ouch, please take it easy!" she yelled at the manicurist.

Magalang na yumuko naman ang manikurista na kanina pa nagtitimpi sakaniya. "Pasensya na po."

Inirapan naman siya ng maarteng costumer at prenteng sumandal sa couch. Inikit nito ang -paningin sa buong paligid na animo'y may hinahanap. Kanina pa napapansin ni Lie na kanina pa may hinahanap ang babaeng maarte simula pa lamang ng maka pasok ito.

"Kanina ka pa tawa ng tawa d'yan. Dapat 'nga tinutulungan mo si Coleen eh," mataray na singit ng isa niyang katuwang sa paglalago ng kaniyang Salon.

He chuckled and crossed his legs, and just stared at the cctv monitor. "Coleen can handle that." I trust her so much.

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon