Chapter 23

15 1 0
                                    

C H A P T E R 2 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"May problema ka po ba, ate Lia?" nag-aalalang sabi ni Olivia matapos mag play ng video. 

Pinakita kasi nila kay Lia ang pinag-usapan ng mga classmates niya kanina lamang. Videohan pala iyon ni Cary kaya ngayon ay pwede nila iyon gawing ebidensya. 

Malakas na bumuntong hininga si Lia at napahilot na lamang sa sariling sentido. Kailangan niya na talagang pilitin ang sarili na paganahin ang utak dahil baka umulit siya sa grade 10. At iyon ang hindi niya hahayaan pa. 

"Natalie, just take your time to heal. You don't have to force yourself or your brain to function if it can't really function for now. You will just suffer more if you force yourself to heal," Lie softly said while caressing her hands.

"Oo 'nga. Saka nandito naman kami eh, pwede mo kaming lapitan kapag may problema ka," nakangiting sabi ni Nate.

"Para saan pa 'yung pagkakaibigan natin kung nagtatago ka sa'amin? Pero wag kang mag-alala kasi alam namin na hindi gano'n kadali mag open up. Pero hindi rin gano'n kadali na itago lahat ng 'yan," dagdag pa ni Cary. 

"Cary it's right, ate Lia. Basta lagi mo lang tatandaan na kapag punong-puno na 'to-" tinuro nito ang dibdib ni Lia kung saan nakalagay ang puso at ang gilid ng ulo niya, kung nasaan ang utak niya. "-Nandito lang kami para makinig sa'yo." 

Hindi niya maiwasang ipakita sa mga ito ang tipid niyang ngiti. Hindi siya nagkamali na papasukin muli sila sa buhay niya dahil napupuno na ng saya at kapanatagan ang puso niya sa tuwing kasama sila. 

Ayaw niya ng umalis sa ganitong panahon pero alam niya na lilipas ang maraming araw, at mas lalo pa siyang maraming pagsubok na pagdadaanan. 

Pero kung dati ay natatakot siya na lumipas ang panahon dahil alam niyang mag-isa lang siya na haharap sa mga pagsubok niya sa buhay, ngunit ngayon ay konti na lamang ang takot na nararamdaman niya dahil alam niya na mayroon ng taong handa siyang samahan. 

Nagsigawan naman sina Cary at Nate dahil nakita nila ang tipid na ngiti ni Lia habang si Olivia ata Lie naman ay natulala sakaniya. 

Nakagat niya na lang ang labi niya at inayos ang buhok niya. Malakas siyang bumuntong hininga upang mapakalma ang sarili. Binaba niya ang dalawa niyang kamay at pinaglaruan ang mga kuko niya na hindi na naman pantay ang haba dahil kinagat niya kanina lamang. 

"Thank you so much for understanding me. I really don't know how long I can hide my problems in life, but I promise, when I can tell you, I will say everything. I'll tell you everything I've been through." 

 Pinigilan ni Lie ang pagkutkot ni Lia sa sarili niyang kuko. Alam niyang kinakabahan ang dalaga kapag ginagawa niya iyon kaya tinulungan niya ito sa pagkalma. 

Nag-angat naman si Lia ng tingin kay Lie dahil bigla nalang nito pinagsiklop ang kamay nila. Nginitian siya ng malawak ni Lie. 

"Proud kami sa'yo, ate Lia!" sigaw ni Olivia at niyakap siya ng mahigpit. 

Sumigaw na rin ang tatlo ng kung ano-anong salita na sobrang nakakapagaan ng loob niya kaya tunaw na tunaw na ang puso niya. 

Hindi pa rin binibitawan ni Lie ang kamay ni Lia kaya ramdam na ramdam niya pa ang mainit at malaking palad ni Lie. 

May kung anong gumagalaw sa t'yan niya habang tinitigan ang nakangiting mukha ni Lie. Sana habang buhay niya na lang makikita ang nakangiti nitong mga labi at maaliwalas niyang mukha na nagbibigay sakaniya ng kapatanagan ng loob. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Mabuti na lamang at napigilan niya nag apat na ihatid siya sa bahay ni Lia dahil natatakot siya na baka bigla makita ng lolo niya ang mga kaibigan niya. Baka mag balak pa ito ng masama tungo sa kaibigan niya. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now