Chapter 21

22 2 0
                                    

C H A P T E R 2 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Alam niyo ba ang bahay ni ate Yelo?" tanong ni Olivia habang tinatalian niya ang buhok. 

Agad na tumango si Lie at kumain ng tinapay na pinalamanan niya kanina lamang. "Bakit? Pupunta ka doon?" 

"Eh tulog pa si ate, d'ba may pasok pa kayo mamaya?" 

Agad na napalingon si Lie sa pintuan ng kwarto ni Olivia. Hindi pa rin lumalabas doon ang dalaga kaya sigurado siya na malalim pa rin ang tulog nito. 

"Wag na kaya siya pumasok?" tanong ni Lie sa sarili. 

"Baka magwala naman si Lia kung hindi siya gigisingin ngayon para pumasok," sulpot ni Nate sa harapan niya. 

"Pero nakakakonsensya naman kung gigisingin natin siya ngayon," dagdag pa ni Cary na nasa likod ni Nate. 

Lagi naman silang sabay-sabay pumasok simula pa noong nag highschool sila kaya hindi na nagulat pa si Lie na sumulpot na lamang ang dalawa sa harapan niya. 

"Bakit kasi kailangan pang bugbugin si ate Yelo!?" Hinilot ni Olivia ang sariling sentido. "Ako na lang gigising saka-" 

"Ako na," agarang sabi ni Lie at hindi na nilingon pa ang tatlong may mapanghusga na tingin sakaniya. 

Maingat niyang binuksan ang pintuan. Ng tuluyan na siyang nakapasok ay bumungad sakaniya ang naka kumot na si Lia. Dahan-dahan siyang lumapit upang matitigan ng mabuti ang mukha ng dalaga. 

Mas lalo siyang napanguso ng makitang sobrang sarap ng tulog nito. Halata sa mga mukha nito ang pagkaginahawa, na para bang unang beses siyang nakatulog ng ganito kapayapa. 

Napakamot na lamang si Lie sa sariling ulo. "Mas lalo ako nito makokosnesya eh." 

Bumuntong hininga siya at umupo sa lapag saka tinitigan ang maaliwalas nitong mukha. Kumabog ng malakas ang dibdib niya kasabay ng paglutang ng pakiramdam niya sa saya. Gusto niya na ang gwapo niyang mukha ang bumungad kay Lia at gusto niya rin na siya ang kaunahang tao ang makasilay ng mga mata nito na mala anghel sa araw na ito. 

Ng mapadako ang mata niya sa natural na kulay ng labi nito ay bigla na lamang siyang napalunok. Malakas siyang bumuntong hininga ng bigla na lamang pumasok sa isipan niya na gusto niyang halikan ang dalaga habang tulog. 

Pero mas maganda para sakaniya na halikan niya muna ito sa noo. 

"Hoy kuya." 

Muntik na siyang mapatalon sa gulat ng may magsalita. Bulong lang iyon ngunit narinig niya pa rin. 

"Wag ka ng tumitig d'yan kay ate Yelo. Gisingin mo na siya dahil baka ma late tayong lahat." 

"Oo na, sige na alis na," inis na sabi niya habang sinesenyasan ang kapatid na umalis na. 

Bago umalis ang kapatid niya ay binigyan na muna siya nito ng matalim na titig. Napailing na lang siya at marahang hinawakan ang balikat ni Lia. 

Mahina niya iyon niyugyog. "Lia, gising na. Baka ma late pa tayo." 

Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang unti-unting dumidilat ang mga mata nito. At parang may kung anong sumabog sa loob ni Lie ng magsalubong ang mga mata nila. 

Ngumiti siya ng malawak dito at nilahad ang kamay niya. "Tayo na. Kailangan mo ng umuwi para maghanda." 

Ilang minuto pang nagtagal ang kamay niya na nakalahad sa dalaga bago niya ito tanggapin. Kahit naman nangangalay na siya ay hindi niya na sinasabi iyon dahil baka biglang siyang makonsensya. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now