Chapter 30

8 1 0
                                    

C H A P T E R 3 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Kung hindi dahil sa'yo, iha. Baka hindi na ko makatayo ng tuluyan dahil sa babaeng 'yun," natatawang sabi ng ina ni Lie. 

Umiling naman si Lia at pinakita ang tipid niyang ngiti. "Walang anuman po." 

Marahan nitong hinawakan ang kamay niya at ngumiti ng malawak. Wala sa sariling napatitig na lamang si Lia sa ngiti nito. Para siya nitong hinahaplos sa buhok upang makatulog siya ng matiwasay. 

"Ang buong akala ko ay hindi ko na makikita ang anak ko na ganito kasaya. Ang akala ko ay tuluyan mo na silang lalayuan, pero doon ako nagkakamali. Kaya hanga ako sa'yo dahil mas pinili mo na huwag isipin ang paparating na problema kapag kinaibigan mo sila. Sobrang tapang mo kaya bilib na bilib ako sa'yong bata ka," natatawang sabi nito. 

Mariiing niyang nakagat ang labi ng magsimulang manikip ang dibdib niya. Ang sarap-sarap pakinggan 'nun sa tenga ni Lia pero at the same time ay nasasaktan siya. Hindi niya alam kung hanggang kailan na naman siya magiging mahina o malakas. 

Baka bigla na lamang mabigo sakaniya ang nanay ni Lie kaya mas lalong sumikip ang dibdib niya. 

Malakas siyang bumuntong hininga at pinilit ang sarili na mag tipid ngiti sa kaharap. "Thank you so much for saying that po." 

Hinaplos muli nito ang kamay niya. "Walang anuman iha. Ang hjiling ko lang ay sana huwag ka na balikan ng takot mo kung sakaling dumating ang kinakatakot mo. Wag mo na hayaan na umiyak ka na naman at masaktan dahil doon. Hindi mo deserve ang araw-araw umiyak. Nakakapagod 'yun." 

Agad siyang napatango bilang pag sang-ayon. Kahit 'nga ilang minuto lang umiyak ay agad ng mamaga ang mata mo, paano pa kaya kung araw-araw, gabi-gabi ka umiiyak?

"Sobrang lalim naman ng pinag-uusapan niyo d'yan," natatawang sabi ni Lie at inayos ang sarili sa harapan ng salamin. 

Lumabi na naman ang dalaga ng makita niyang mas lalong naging gwapo sa paningin niya si Lie. Ngayon kasi ay pupunta sila sa peryahan. Syempre hindi pa siya nakakapunta doon kaya agad naman siyang pumayag. Pero hindi niya mapapagkaila na nakakaramdam pa rin siya ng kaba. 

Lulubusin niya na ang lahat bago tuluyang magbalik si Hudson. 

Naka white t-shirt si Lie na may print sa likuran at naka black trouser. Kahit na simple lang ang pormahan ng binata pero sigurado siya na marami pa rin siyang mabibighani na babae. 

"Ate!" 

Naputol ang pagtitig niya sa binata ng marinig na sumigaw si Olivia. Nakangiting umikot ito sa harapan nilang lahat at nilagay pa ang kamay sa bewang na animo'y rarampa. Naka dress ito na sleeveless na kulay pula. 

"I'm pretty in this dress, right?" she proudly asked.

Tipid na nakangiting tumango naman si Lia at nag thumbs up pa. Habang si Lie naman ay binatukan lang ang kapatid at ang nanay niya ay lumapit saknaiya at may inayos pa sa dress na suot. 

"You're being harsh on Olivia," nakangiwing sbai niya ng lumapit si Lie sakaniya, 

Nag kibit-baliklat lang siya. "Gano'n talaga kami- Aray!" 

Natigil ang akmang pagkuha ni Lie sa kamay ni Lia ng unahan na siya ni Olivia. Binatukan niya pa si Lie bago agawin si Lia sakaniya. 

"Wag kang mag-alala masyado sa'akin, ate Lia. Kapag bnatukan ako niyan babatukan ko rin siya pabalik."

Sinamaan naman siya ng tingin ni Lie. "Mang-aagaw." 

"Sus, hindi mo lang kaya 'to kay ate Lia eh," nakangising sabi naman ni Olivia at bigla na lamang pinagsiklop ang kamay nila. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now