Chapter 26

15 1 0
                                    

C H A P T E R 2 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Matiwasay silang natapos sa pag ba-bake. Tumutulong pa minsan-minsan sina Olivia, Nate at Cary pero ang madalas nilang gawin ay maghabulan pa rin kahit sa loob ng bahay nila. Hindi naman natatakot si Lia na makabasag sila ng mga malalaking vase na nasa gilid-gilid ng bahay nila. 

Kahit sa ibang bansa nanggaling iyon ay wala pa rin siyang nararamdaman na pangamba. Sa katunayan ay wala naman talaga halaga iyon sa nanay niya kahit sakaniya. Talagang pang display lamang iyon sa bahay nila para mas mag mukhang malinis at maaliwalas. 

"Mag-ingat ka 'nga sa  pagtakbo mo, Olivia! Baka mamaya makabasag ka pa ng kung ano d'yan! Wala tayong pambayad!" sigaw ni Lie habang pinupunasan ang pawis niyang mukha. 

Mahina niya namang tinapik ang balikat ni Lie upang mapakalma ito. "Don't worry. Let her enjoy what makes her happy." 

Napairap naman si Lie. "Let her what makes her happy pero baka bigla naman siyang makabasag. Mukha pa namang mamahalin mga gamit niyo at kung sakaling makabasag siya d'yan, wala kaming pangbayad." 

Bumuntong hininga si Lia. Naiintindihan niya naman ang nararamdaman ni Lie dahil 'nga alam niya na hindi gaano kayaman ang pamilya ni Lie at alam niyang mamomoblema pa ang pamilya nito. 

Hinawakan niya muli ang balikat nito at mahinang tinapik ang balikat niya. "Don't worry too much, Lie. Kung sakaling may mabasag siya hindi niyo kailangang bayaran 'yan. Besides, marami na rin naman laging nababasag na vase kaya hindi na sa'amin mahalaga ang mga 'yan." 

Natahimik na lamang siya at dumiretsyo sa sala. Hinayaan na lamang siya ni Lia at pinanood na lamang ang oven. Malapit na iyon matapos kaya tinukod niya na braso sa lamesa. Kusa na lamang gumalaw ang kamay niya na pumunta sa bibig niya, at sinimulan niya na kagat-kagatin ang kuko niya habang nakatulala lamang sa oven. 

"Ayan ka na naman." 

Gulat na napa ayos ng tayo si Lia ng may marahang humila ng kamay niya palayo sa bibig niya. Binalot siya ng matinding kahihiyan ng makitang pinupunasan na ni Lie ang daliri niya na basa gamit ang tissue. 

"Iwasan mo 'nga kagat-kagatin 'yang nails mo. Ma damage 'yan 'yung skin ng nail mo tapos ma infection pa 'yang nails mo. Saka ang dami-daming pumapasok na bacteria sa kuko mo tapos kinakagat mo pa, edi na punta na 'yung mga bacteria sa nails mo," nakangiwing sabi ni Lie. Sa tono ng boses nito ay para siyang tatay na pinapaglitan ang kaniyang anak. 

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? Kahit nagagandahan ako d'yan sa ngiti mo hindi mo ko madadala d'yan, hindi kaya ako marupok," masungit na sabi ni Lie at tinapon ang tissue. 

Agad namang tinanggal ni Lia ang ngiti sa mga labi niya. Hindi man niya namamalayan na nakangiti na pala siya habang sinesermonan siya ni Lie. 

Tahimik niya na lamang kinuha ang binake nilang cake sa oven at nilapag na iyon sa lamesa. Nag lapitan naman silang tatlo sakaniya at nakitulong na sa pag design sa cake. Ng matapos ay malakas na napalakpak si Olivia. 

"Ang galing natin gumawa!" Kumikinang ang mga mata ni Olivia habang nakatitig sa cake. 

"Parang ayoko na siya kainin," nakangusong dagdag ni Nate habang nakatitig sa cake. 

"Nakaka guilty siya kainin," dagdag pa ni Cary kaya napatango si Lia. 

"I don't want to destroy this beautiful cake," she said while pouting. 

"Sus, ang aarte niyo," nanunuyang sabi naman ni Lie at tinaas ang kutsilyo. 

Sabay-sabay silang napasigaw ng akmang hihiwain na ni Lie ang cake upang sirain iyon. Malakas namang tumawa si Lie dahil sa mga naging reaksyon nila kaya lahat sila ay matalim na tinignan si Lie. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now