Chapter 3

25 2 0
                                    

C H A P T E R 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Kitang-kita niya ang matatalim na titig galing sa groupo nila Trina ngunt hindi niya na lamang iyon pinansin. Sigurado siya na alam na ng mga ito ang nangyari kahapon sa canteen. At mas lalo siyang sigurado na maya-maya lang ay may gagawin ang mga ito sakaniya. 

"Not again, please," pakiusap niya habang nakatingala. 

Pagod na pagod na siyang pakisamahan ang mga kalokohan at mga isip bata nilang utak. Baka kapag hindi na siya makapagtimpi ay baka tuluyan na siyang mapapa-alis sa school niya dahil sa gagawin niya. 

"I'm tired of being bullied," Lia whispered with full of frustration.

Dumating na ang Mapeh teacher nila kaya nag tumahimik na silang lahat. Mas lalong sumama ang timpla ng dalaga ng pinababa sila ng guro upang sumayaw na naman ng walang katapusang Wellness. 

Bukod kay Hudson, ang pinaka kiniinisan niya na ay ang P.E subject. Lagi na lang siyang nawawalan ng dignidad pagdating dito!

Ng makarating sila sa malaking court ng school nila ay halos naging palengke na naman ang paligid nila. 

"Beh penge 'nga ko liptint saka pulbo." 

"Oh eto, hati na lang tayo d'yan." 

"Iw! Maghahalo laway natin dito. Akin na lang 'to tapos bumili ka na lang ng bago mo." 

"Wow ang kapal naman ng mukha mo. Akin 'yan eh tapos ako pa papagatusin mo. Ikaw gumastos ng sarili mong liptin. Bahala ka-" 

"Joke lang beh! Sige hati na lang tayo. Hindi naman mabaho hininga mo eh." 

"Malamang! Nag tooth brush kaya ako." 

Agad siyang napangiwi ng makitang nag share talaga sila ng liptint. Kitang-kita niya pa ang pagdiin ng liptint sa mga labi nila. 

Agad siyang nag-iwas ng tingin sa mga ito. Na sana hindi niya na lang ginawa. 

"Omg nand'yan sina Cary at Nate!" 

"Gwapo rin pala si Olie 'no? Hindi pala siya mukhang bakla eh." 

"Oo nga beh! Penge pa liptint dali! Tinitignan niya ko omg!" 

May iba pang kinikilig at ang iba naman ay walang paki pero nakatitig din sa tatlong naglalakad na animo'y nasa isa silang palabas. 

Ng magtama ang paningin nila ay agad nagliwanag ang buong mukha ni Lie. Habang siya naman ay napangiwi at agad nag iwas ng tingin. 

"Guys! Narinig ko sasabay din sila sa'atin na sumayaw ng Wellness!" 

Ngayon ay mukhang mas lalong mababawasan ang dignidad niya bilang tao. Hindi niya na maiwasan na ipakita ang frustasyon sa mukha. 

"Why do you always do this to me, Lord," Lia whispered tearfully.

Narinig niya ang sigaw ng P.E teacher nila kaya agad na silang pumunta sa kaniya-kaniya nilang pwesto. Gusto niya na lang mag cutting ngayon dahil katapat niya pa si Olie. 

Agad siyang napa-irap ng marinig na asarin na naman siya nito ng mga kaibigan niya. Pinag krus niya na lamang ang braso niya saka seryosong pinanood ang guro nila na inaayos ang speaker.

"Hi Lia!" masiglang bati nito habang parang batang kumakaway. 

Malakas siyang bumuga sa hangin at hindi ito sinagot. Tinuring niya na lamang ang mga ito na hangin na maingay. 

"Aruy pre, hindi ka na naman pinansin." 

"Wag kang susuko pre. Mag papansin ka sakaniya." 

Mas lalong sumama ang timpla ni Lia dahil doon. Konting-konti na lang talaga ay makaksuntok na siya ng istudyante. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon