Chapter 4

20 1 0
                                    

C H A P T E R 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Gago hanggang anong oras ba tayo maghihintay dito?" inis na tanong ni Cary. 

"Kaya 'nga, Lie. Maawa ka naman sa'amin," naiiyak na sabi ni Nate habang bahagyang niyuyogyog ang katawan ni Lie. 

Agad naman niyang iniripan ang dalawang kaibigan. "Bakit kasi kayo sumama? Hindi ko naman kayo pinapasama eh." 

"Eh gusto ka naming makitang mapahiya eh," nakangising sabi ng dalawa kaya binatukan niya ang mga ito. 

Ngayon ay naghihintay na lamang sila na tawagin ng teacher upang tuluyan ng makapasok sa loob. Ngayon ay nasa caregiving building sila at saktong nakita nila ang guro sa caregiving ngayon sa hallway. Niyaya sila ng guro na mag volunteer na mag kunwaring pasyente upang sa mga craegiver students niya. At syempre alam niyang nandoon si Lia kaya pumayag siya agad. 

"Kanina pa kaya tayo naka tayo dito. Pinag tri-tripan lang yata tayo ng teacher dito eh," naiiyak na sabi ni Cary at akmang kakatok na sa pintuan ng bigla na lamang bumukas ang pinto. 

Agad napatayo ng maayos si Lie at nagsimulang kumabog ng mabilis ang dibdib niya ng papasukin na sila ng teacher. 

Hindi maiwasan matuwa ng binata ng sumalubong sakanila ang palakpakan at sigawan. Mukhang masaya talaga silang lahat dahil silang tatlo ang magiging pasyente nila bukod kay Lia na seryoso at malamig lamang na nakatingin sakaniya. 

Pinakilala ng guro ang tatlo bago sila kuhanan ng upuan. 

"Hi Lia!" he excitedly mouthed while jumping a little bit. 

Hindi sumagot si Lia at inirapan lang siya. Mahina siyang natawa at tuluyan ng umupo sa harapan ng mga istudyante. May pinaliwanag sakanila ang guro nila habang hawak-hawak ang sphygmomanometer.  

Ang naintindihan niya lang ay kukuhanin ng tatlong istudyante na matatawag niya ang mga blood pressure nila. May mga pinaliwanag pa ito ngunit hindi nila maintindihan. 

"Ok. So let's call three students now," she announced.

Agad na pinagsiklop ni Lie ang palad niya saka taimtim na nagdasal na sana si Lia ang kukuha sakaniya ng blood pressure. 

"Olivia Perez for Cary. Leo Martinez for Nate and Lillia Natalie Guinta for Olie."

Muntik na siyang mapasigaw ng marinig ang buong pangalan ni Lia. Nakangiting asong pinanood ni Lie ang dalaga na nakasimangot na naglakad palapit sakaniya habang hawak ang sphygmomanometer. 

Halos umabot na sa langit ang ngiti niya ng hawakan ni Lia ang braso niya at maingat na sinuot sakaniya ang sphygmomanometer. Habang may pinipisil si Lia na parang bola ay hindi niya maiwasang tumitig dito. 

"Tumingin ka! Wag mo 'yang panoorin, ako ang panoorin mo!" sigaw ni Lie sakaniyang isip. 

Muntik pa siyang matumba ng tuluyan ng tulyang magtama ang paningin nila. Kahit malamig ang tingin sakaniya ni Lia ay hindi niya pa rin maiwasang kiligin. Halos ramdam na ramdam niya ag pag duyan niya dahil sa kilig at saya. 

"Sa wakas, tinignan niya rin ako," sabi ni Lie sa isip. 

Pero agad napatigil ang pag ngiti niya ng bigla siyang hawakan ng guro sa balikat. 

"Ayos ka lang ba? Bakit ka namumula?" nag-aalalang tanong nito kaya halos lahat ng mga mata ay napunta sakaniya. 

Bigla niya na lamang narinig ang malakas na tawanan ng dalawa niyang kaibigan kaya mas lalo pa siyang namula sa hiya at kilig. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now