Chapter 28

5 1 0
                                    

C H A P T E R 2 8
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Inaasahan na ni Lia na bigla na lang siyang tumalipon sa pader. Napangiwi siya ng malakas na tumama ang likuran niya sa likuran dahil malakas siyang tinulak ni Matilda dahil sa sobrang galit. 

"Wag na wag mong baliktarin ang sitwasyon natin dalawa, Lillia. Dahil sa'ating dalawa ikaw ang mas nakakaawa," nakangising sbai nito at tinalikuran siya. 

Nanlaki ang mata niya ng makitang kumuha si Matilda ng makapal na kahoy at naglakad papunta sa nakaupong ginang. Kahit nahihirapan ay agad siyang tumayo ay pinilit niya ang sarili at paika-ikang tumakbo palapit sa ginang. 

Buong lakas niyang tinulak si Matilda. Ng matumba ito ay mabilis niyang niyakap ang ginang upang protektahan ito. 

Mahina naman siyang tinulak ng ginang. "Lia, u-umalis ka d'yan. Iha makinig-" 

"I will protect you because I know that the Lie will be hurt if you get hurt even more," she whispered with a serious tone

"Lagi ka na lang nagiging hero, Lillia. Well, hindi ko na kasalanan kung bukas at hindi mo na maramdaman 'yang likod mo." 

Mariin siyang pumikit ng makita niya ang reflection ni Matilda na hahamapasin na siya ng makapal na kahoy. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin siyang nararamdaman na matinding sakit kaya agad siyang dumilat at nilingon ang likuran niya. 

Kumabog ng malakas ang dibdib niya ng makita si Lie na madilim ang mukha niya habang nakatitig kay Matilda na nasa sahig na. May hawak si Lie na mas makapal na kahoy kaya agad na pumasok sa isipan ni Lia ang ginawa ni Lie. 

"Sinasagad mo na pasensya ko, Matilda. Pati nanay ko dinamay mo kaya wala akong pake kahit babae ka. Sasaktan kita sa paraan na sinaktan mo ang nanay ko," matalim na sabi niya at itinaas ang makapal na kahoy upang ihampas iyon kay Matilda. 

Mabilis naman na kumilos si Lia at agad hinawakan ang braso ni Lie upang pigilan ito. 

"Calm down, Lie. Wag mong sasaktan si Matilda," pakiusap niya habang puno ng kaba na nakatitig sa madilim na mukha ni Lie. 

Hindi ito sumagot o tumingin man lang kay Lia. Ilang minuto siyang tumitig kay Matilda bago galit na hinagis ang kahoy kaya napatalon pa sila lahat sa gulat. Natatakot si Lia na lapitan o kausapin man lang si Lie kaya binitawan niya ang braso nito, wala man lang salita na lumabas sa bibig ni Lia kahit na gustong-gusto niyang magsalita. 

"Mama!" malakas na sigaw ni Olivia kaya agad siyang napalingon dito. 

Pinanood niya lamang na alalayan ni Olivia nag nanay niya na nanghihina. 

Hindi niya na tuluyang napigilan si Lie na marahas na hilahin si Matilda at kinaladkad ito papunta kung saan. Nawala na rin na parang bula ang mga kaibigan ni Matilda pati na rin sina Olivia at ang nanay niya. 

Natulala na lamang siya sa kawalan. Hindi nag pro-proseso ng maayos ang utak niya dahil sa mabilis na pangyayari. Ng biglang sumagi sa isip niya na hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Lie ay bigla na lamang may matalim na tumarak sa puso niya. 

She smiled bitterly. "Matilda is right. I'm more pathetic than she." 

Akmang maglalakad na siya ng bigla na lang nag vibrate ang phone niya kaya agad niyang tinignan kung sino iyon. 

Nate: Pumunta ka sa guidance office, Lia. Nandito sila tita.

Kahit nahihirapan ay pinilit niya na mas bilisan pa ang paglalakad upang makaabot sa guidance office. Ng makarating siya doon, ang bumungad sakaniya ang nakakanginig na sigaw ni Lie. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें