Chapter 24

16 1 0
                                    

C H A P T E R 2 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Sa pangalawang pagkakataon, hinayaan na naman ni Lia na saktan siya ni Matilda dahil may nag video sakanila. Pero pangako niya sa sarili na ito na talaga ang huli na makakahawak si Matilda sa kaniya. 

"Bakit ba lagi kang nagpapanggap na malakas!? Labanan mo ko Lia!" galit na sigaw nito at malakas na hinampas ang ulo niya. 

Hindi niya na nakontrol ang sarili kaya diretsyo sa pagbagsak. Pero bago siya tuluyang bumagsak bigla pang tumama sa ilong niya ang isang arm chair kaya nagsigawan ang lahat sa saya. 

Agad niyang pinunasan ang ilong niya ng tumulo ang dugo 'nun. Pagod na sinandal niya ang sarili sa pader.

"Bakit ba lagi mokong hinahayaan na bugbugin ka!? Nakakapagod kaya na ako lang nakikipagsapakan dito!" inis na sigaw ni Matilda at malakas na sinipa ang upuan na nakaharang sa harapan niya. 

"Edi makipag sapakan ka sa mga tambay, siguradong doon may lalaban sa'yo." 

Agad siyang napalingon kay Olivia na seryoso at naka krus ang mga braso. Naglakad siya palapit kay Matilda kaya maagap na sumunod sakaniya ang dalawa. Habang si Lie ay dumiretsyo sakaniya at pinantayan siya ng upo. 

Ng maamoy niya ang natural na amoy ni Lie ay agad siyang napapikit. Kumalma na ang buong sistema niya, sa wakas. 

"Dadalihin na kita sa clinic," marahang sabi nito. 

Lia simply nodded and let Lie gently lift her arm. When Lie lifted her in a wedding-style, she automatically leaned on his chest.

"At bakit napunta dito ang bata?" mataray na tanong ni Matilda. 

Hindi makapaniwalang tumawa naman si Olivia. "For your information grade 8 na ho ako-" 

"Walang nagtanong." 

"Talagang sumusobra ka ng gago ka ah!" puno ng galit na sigaw ni Olivia at akmang sasabunutan na si Matilda ng agad siyang pigilan ng dalawa. 

"Olivia wag mo ng patulan 'yan," mariin na bulong sakaniya nio Cary.

"Magsasayang ka lang ng oras sakaniya," dagdag pa ni Nate. 

Kahit na narinig iyon ni Matilda ay hindi niya na lamang iyon pinansin at lumingon kay Lie na buhay si Lia. 

"Ano ka, hero ni Lia?" nanunuyang tanong niya kaya matalim na napa-irap si Olivia. 

"Mukha ba kong hero?" nanunuyang tanong pabalik ni Lie kaya agad nag init ang ulo ni Matilda. 

"Simula ng pumunta ka dito para iabot kay Lia 'yung pinapaabot ni sir Hudson ay lagi na kayong lumalapit kay Lia. Ano bang meron sa basura-" 

"Gusto mo salamin?" inosenteng tanong ni Lie kaya mas lalong kumunot ang noo ni Matilda. 

"A-anohin ko 'yang salamin?" 

"Para makita mo kung sino ba talaga 'yung basura sainyong dalawa." 

At sa inaasahan ay umapoy na ang mga mata nito sa galit. Bago pa siya tuluyang sumigaw ay agad ng siyang tinalikuran ni Lie. Pero bago pa sila tuluyang makalabas at hinawakan ni Matilda ang balikat ni Lie at pinaharap ito sakaniya. 

Mabilis na hinila pababa ni Matilda ang buhok ni Lia. Hindi agad na kontrol ni Lie ang katawan niya kaya bigla na lamang bumagsak si Lia. Mabuti na lamang at mayroon upuan sa harapan nila kaya doon bumagsak si Lia. 

"Sumusubora ka na talagang gago ka!" 

Hindi na tuluyang napigilan nila Cary at Nate si Olivia na sagudin si Matilda dahil mabilis nilang tinignan ang sitwasyon ni Lia ng hindi ito gumalaw, pero nakadilat ang mata nito. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat