Chapter 41

8 1 0
                                    

tw: suicide

C H A P T E R 4 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Lahat sila ay aligaga at halos parang dinaanan ng bagyo ang bahay nila Lie ngayon. 

"Wag mo 'nga kong banggain!" inis na sigaw ni Olivia ng biglang dumaan si Nate sa likuran niya. 

Hindi na siya sinagawan pabalik ni Nate dahil pati ito ay nagmamadali na rin. Kahit na antok na antok si Lia ay pinilit niya ang sarili na dumilat at tumulong na rin kay Olivia na inaayusan siya. 

"Wag ka na gumalaw, ako na mag kukulot ng buhok mo," marahang sabi ni Lie kaya wala na siyang ibang nagawa kung hindi hayaan na lamang si Lie na ayusin ang buhok niya. 

Mas lalo siyang naantok dahil pa minsan-minsan ay hinihilot ni Lie ang ulo niya. Naalala niya na nakwento ni Lie sakaniya na puro pag mamasahe na ang tinuturo sakanila sa beauty care kaya miss na miss niya raw na mag design ng mga kuko. 

"Kuya ikaw na mag lagay ng liptint kay ate. Kailangan ko ng tulungan 'yung gunggong na 'yun," tukoy ni Olivia kay Cary na hirap na hirap ayusin ang damit niya. 

Mabilis na kinuha ni Lie ang liptint sa kamay ni Olivia at umupo sa harapan ni Lia. Tila nagising ang naantok niyang diwa ng mas lalong lumapit si Lie sa harapan niya habang marahang nakahawak ang baba niya. 

"Relax ka lang," natatawang sabi ni Lie kaya hindi niya maiwasang mapanguso. 

Pero agad niya ring binalik sa dati ang labi niya ng bahagyang tinaas ni Lie ang ulo niya. Kinuha niya na ang chance na titigan si Lie dahil nakatitig lamang ito sa labi niya. 

Sobrang linis ng itsura niya ngayon na halos kuminang na 'nga siya sa paningin ni Lia. Naka suot ito ng polo shirt na kulay itim at naka pantalon ito na kulay itim rin. Halatang-halata ang maskulado niyang katawan pati ang may kalakihang muscles sa braso niya. 

"Ganto ka," sabi ni Lie saka matunog na pinagdikit ang labi kaya ginaya niya naman agad. 

May kung ano siyang naramdaman na kuryente ng biglang lumapat ang hinalalaki ni Lie sa labi niya at marahang kinalat ang liptint na sobra. Pinunasan din nito ang gilid ng labi niya. 

"Yan bagay pala sa'yo 'to. Ma try 'nga," nakangisi niyang sabi saka nilapat ang hinlalaki na nakalapat kanina sa labi ni Lia. 

Agad pinamulahan ng pisngi ang dalaga. Nakita niya na may kaunting kulay na ang labi ni Lie katulad ng kulay ng labi niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin at tingnan na lamang ang sarili sa salaminan. 

Lia's wearing a partner in a black high-waist short with a black coat and a white sando on the inside. Her white heels sparkle in the sun because they have glowing beads. Lie made her hair a half ponytail because it seemed more suitable to what she was wearing.

"Bakit mag ka pareho kayo ng kulay ng labi? Nag kiss kayo 'no!?" gulat na tanong ni Nate at maarteng suminghap. 

Agad na tumayo si Lia at lumapit sa salamin upang maitago sakanila ang kanina pang namumula na pisngi. Umakto siyang nag-aayos ng coat niya at may tinatanggal doon ng bigla na lamang may humila sa braso niya. 

"Mukha kayong mga mafia boss!" natatawang sabi ni Olivia habang tinitignan silang dalawa ni lie. 

Magkatabi na sila at si Lie ay parang isang modelo na naka pose pa at may hawak na shade na itim. Napangiwi na lamang si Lia ng mapansing parang pupunta silang lahat ng lamay dahil naka black at white silang lahat. 

"Tara na- May pupuntahan ba tayong lamay?" tanong ng tatay ni Lie ng makalabas sa kwarto nila. 

Sumunod naman ang asawa nito at pareahas silang naka puti kaya mas lalong napangiwi si Lia. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now