Prologue

384 7 0
                                    

|Prologue|Shoelace|

Ang pula kapag hinalo sa berde nagiging dilaw. Ang dilaw na hinalo sa asul ang resulta ay kulay berde. May mga bagay na kapag hinahalo, maganda ang nagiging kinalalabasan. Mayroon din namang hindi.

If there are only two colors that's being combined, you'll have a colorful output, but if all three primary colors of light are mixed with an equal proportions-- you'll only have neutral, white or gray. But with the absence of light colors--- the result will be black.

Kapag sumubra... malinaw pero parang may kulang. Kapag may nawawala naman... madilim pero parang may sobra.

They say in goodness there is evil. And in evil there is goodness. But if I'll be a black ink, I will never taint a white paper... kahit na gustong-gustong ko. Kahit na... gustong-gusto rin niya...

"Muse, isumbong mo sa akin ang mga nambu-bully sa'yo, okay?" Seryosong saad ni Kuya First.

I pouted my lips and tilted my head. Matangkad kasi si Kuya First, actually silang lahat ay matatangkad, ako lang ata ang hindi.

Sabi nila cute ang mga chubby, totoo naman iyon. Everyone calls me pretty and cute. Pero hindi ba pwedeng hindi nalang ako chubby?! I am still beautiful even without these fats in my body!

"Kuya, kailan po ako magiging sexy? Gaya po ni Mommy at Ate Eury?" I timidly asked him.

Napatigil siya sa pagbubutones ng kaniyang polo at napakunot ang noo. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, he sighed afterwards and squatted in front of me. Kahit kasi hindi ako naka-upo ay kailangan niya paring mag-squat para magpantay ang aming mga mukha.

"Don't rush, Muse. There's a right timing for everything." Masuyo niyang sabi.

Mas ngumuso pa ako. "You're just saying that kasi you're so gwapo, no need na mag-effort ka para ma-like ka ng lahat."

He lightly chuckled, pero halatang hindi iyon totoong tawa. "Not everyone though."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang pinapanood ang mukha ni Kuya First. He looks exactly like our Dad, my Daddy is handsome kaya malamang ganoon din si Kuya. My Mommy is also very beautiful, and I am too, my only problem is... I am mataba.

"Kuya First?" Tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" Tumayo siya at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng kaniyang butones. Tiningnan niya ako.

"Kayo ba nila Kuya Second at Kuya Third ang susundo sa akin mamaya?" I asked, while batting my eyelashes.

He smirked, "Hindi pa nga tayo nakakapunta sa school, uwian na kaagad ang iniisip mo?"

"Please? Pwede kayo nalang tatlo? Kapag si Dad kasi nilalandi siya ni Teacher Bet." Pagdadahilan ko.

Ngumiwi siya, "Kami rin naman, ah?"

"Wala kayong wife, kaya walang magagalit. Si Dad meron, I don't want Mommy to feel upset. Hindi ko nga sinumbong si Dad, eh, para di siya mahurt."

"Ano bang ginawa ni Dad?" Nagtaas siya ng kilay.

"Hmm, wala, hindi nga siya nag smile back kay teacher, eh."

"See? Mom won't be upset, kasi alam naman niyang siya lang ang love ni Daddy. And besides, kahit na kaming tatlo ang pumunta, walang magbabago-"

"Please, Kuya? Kayo magsundo sa akin mamaya? Please?" I pressed my palms together as I smiled cutely at him.

Bago pa man siya makasagot ay may nagsalita na mula sa aking likuran.

"Of course, our princess." Si Kuya Third.

He is fixing his collar. Magulo pa ang kaniyang buhok ng kunti, at hindi pa maayos ang pagkakabitbit niya ng kaniyang bag.

Dangerous Muse (ASHLEY 10) ☑Where stories live. Discover now