Chapter 22

81 2 0
                                    

|Chapter|22|Piercing|

If only I could change every bad decisions I made in the past... I'll trade my life to do it. If next life is possible, I'll do my best to be noble, innocent, and clean from any criminal activities. Iyon lang, kapag hindi na ako ganito, talagang kahit ako pa mismo ang manligaw sa kay Jeremiah, o ang magpropose sa kaniya ng kasal ay gagawin ko.

It hurts because I know that he loves me, more than I do to him. Kung tutuusin, pwedeng-pwede naming ipagpatuloy ang nasimulan namin, pero mali. Hindi dapat.

Inaamin ko, noon, akala ko lilipas lang din itong nararamdaman ko para sa kaniya. But as days passes by, I realized how much I needed him in my life, my affection grew in a way that I can't explain and avoid.

Masyado akong nagpakampante na magiging maayos lang din ang lahat kahit pa... hindi na kami. Nung sinagot ko siya, ang inisip ko kaagad ay ang araw na magkakahiwalay kami. At nung umalis ako, ang unang pumasok sa isip ko ay ang magiging reaksyon niya kapag nagkita kami ulit. At ngayong nagkita kami ulit... ang naiisip ko ay kung paano... paano kami magiging pwede parin kahit na sa kabila ng aming pagkakaiba.

I want to selfishly claim him as mine again, forget about my sins and pretend clean. Pero, alam kong kapag ginawa ko iyon  pansamantalang kaligayahan lang din ang mararanasan ko, at hinding-hindi ako talagang magiging masaya ng walang halong pangangamba. Ayaw ko ng ganoon. If he's going to be completely mine again, I want to be free from guilt and doubts. No more temporary happiness, no more skeletons in my closet.

Itinapon ko ang aking mga mata sa labas ng sasakyan, lumunok ako ng ilang ulit, kinuyom ang mga kamao habang nagpipigil ng luha.

"You should stop loving me, Jeremiah. Hindi mo ako kilala, at-"

"I can't do that-"

"-kaya dapat lang na makilala mo ang totoong ako," I slowly turned my face to him, "I am a criminal."

He stiffened. Umawang ang namumutlang mga labi niya at nanlalaki naman ang mga mata habang nakatingin sa akin. Lumunok ako ulit.

"Ilang t-tao na ang napatay ko. I've been killing people since I was fifteen. And I still... do that. My family is running a dirty business. We sell drugs, guns and eliminate those who we think that will ruin us." Sinikap kong ngumiti, "see? I'm not a Muse. I am a killer, a criminal, a demon... and I will never change. I will remain the same, till my last breath."

Nakatulala lang siya sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa kaniyang mga mata, probably, I just don't want to absorb the hint of disappointment that teasingly flickers on his eyes. I know he'll despise me. But I hope he won't.

"You're an Angel. Your soul is pure and... innocent. Something that I lose a long time ago. Kaya siguro minahal kita kahit pa alam kong magkaiba tayo. Perhaps, I unconsciously envy that part of you. And I know that... that a time will come, and you will be disgusted of me. That this day will come."

Hindi ko na nakayanan pa, nag-iwas ako kaagad ng tingin nang magsimula ng pumungay ang kaniyang mga mata. Awa. Iyon lang ang dapat niyang maramdam maliban sa galit at pagkadisgusto. Iyon lang.

"I always thought of not telling you the truth, and just pretend... be your girlfriend again, and then marry you, have kids with you, die while still loving you..." mapakla akong tumawa, "but that's it. All of those already happened in my imaginations, and I'm... I'm s-satisfied, somehow, at least sa imahinasyon ko... tayo, may tayo hanggang dulo, tanggap mo ako, mahal mo ang totoong ako."

Mabilis kong pinunasan ang mga kumawalang luha mula sa aking nanlalabong mga mata. Tumawa ako ulit, but even me can hear the bitterness in my laugh. Sa bawat tunog na lumalabas sa bibig ko bilang halakhak, ay katumbas ng ilang libong saksak sa aking puso.

Dangerous Muse (ASHLEY 10) ☑Where stories live. Discover now