Chapter 8

71 1 0
                                    

|Chapter|8|Decision|

Truth is, I'm not forced. No one dragged me into this situation but me. I chose this path. Created my own decision without anyone else's influence. But the conflict here is... it's too late for me to realize what I should've choosen.

It's my mistake for not checking my decision thoroughly. Kumbaga sa exam, hindi ako nagstudy. Kaya ngayon ay wala akong karapatang magreklamo. Kahit na gustong-gusto ko ng sabihin sa kay Lola Purple ang totoo... na gusto kong... huwag nalang maging parte ng HUE, pero huli na, sobrang huli.

Marami na akong mga nalaman patungkol sa mundong ito, mga bagay na hindi ko pwedeng balewalain lang. May mga nagawa na rin akong masasama, marami at hinding-hindi ko makakalimutan ang mga kasalanan na iyon.

I chose this option when I still had the discretion in my hands, so now that the only thing I can do is obey, I should forget and stop searching for an escape. No one's gonna help me, because I'm not in danger, I am the danger itself.

"Casualties?"

"Twenty." I coldy answered while still cleaning the daggers I used just awhile ago.

Tumango si Fheris at muling binanggit sa kausap ang sinabi ko. He's probably talking to Lola Purple. Matapos kong linisin ang mga nagamit ko ay sunod kong inasikaso ang suot kong damit. Hindi ko napigilan ang pagngiwi nang maamoy ko ang langsa ng dugo rito. Mabuti nalang at hindi ko masyadong nakikita ang damit.

Madilim ang paligid. The night is still so deep. Nasisiguro kong marami ang masarap ang tulog ngayon, nakakulong parin sa kani-kanilang magagandang panaginip.

Mabilis kong isinilid ang mga dugo-ang mga damit ko sa cellophane na ibinigay sa akin ni Fheris kanina, even my boots smells blood! Kaya pati ang suot ko para sa aking paa ay inalis ko rin. After cleaning myself, I burned everything I used, leaving no trace and evidence against me behind.

Hindi na kami nag-abala pang iligpit ang mga kalat na naiwan namin sa penthouse. Ang amo na nila ang bahalang magpalibing sa kanila. And the police? There's nothing to worry about. Hindi nila malalaman ang nangyari, at kung may malaman man sila, wala rin naman silang magagawa. It's not because we'll take care of them, but because our enemies' leader will. No hassle.

"Hindi mo naman kailangan barilin iyong katulong kanina." Fheris stated, he's now driving beside me.

I snorted and pushed my back on the backrest, isinandal ko ang aking ulo sa may bintana. "She's not a maid. Wala ka kasi sa loob kanina kaya hindi mo nakita. She almost stabbed me."

Tiningnan niya ako saglit saka muling itinuon ang atensyon sa kalsada. Kahit na madilim pa, ay marami-rami narin ang mga sasakyang bumabyahe.

I tried to close my eyes and get some nap, but I immediately shook my head the moment the scene from earlier visited my mind once again. Kaya imbes na matulog sa byahe ay tumingala ako para panoorin ang kalahating buwan.

The sky is starting to get brighter, the darkness of its blue is fading--- and so do the stars. But the moon remains shining despite the warning from the sun.

"You should try to sleep, may pasok ka pa mamaya."

"And so you do." I said and then yawned.

"Kaya kong huwag matulog ng ilang gabi, Muse."

"And so am I."

He hissed and did not bother me anymore. Dalawang gabi na kaming ganito. Walang tulog dahil sa ibinigay sa aming misyon ni Lola Purple. We're not agents, but we would like to call our tasks that way. Ang mga nakalaban ko kanina ay walang iba kundi ang mga tauhan nila Ciato. Palipat-lipat sila ng lokasyon, it was challenging, dahil kami lang dalawa ni Fheris. My brothers and the others are out from this. Wala kaming natanggap na tulong galing sa kahit na sino, kaya medyo natagalan kami sa paghahanap sa kanila. However, disposing them is a piece of cake.

Dangerous Muse (ASHLEY 10) ☑Where stories live. Discover now