Chapter 4

113 2 0
                                    

|Chapter|4|Disappointed|

There are times that I thought I'm mature enough to handle the situation, but at the end of the day... I ended up questioning my own capabilities. Thinking, that I'm stupid and useless. I'm not enough.

"M-muse! Tama na!" Nahihirapang sabi niya, naghihinalo, "I'm sorry! S-sorry-"

Binalik ko ang aking duguang kamay sa kwelyo niya, at buong lakas na hinampas sa sahig ang kaniyang ulo. Blood... He groaned in agony.

Nakakaawa naman siyang pakinggan. He's begging me to stop, kanina pa... pero imbes na tumigil, ay mas lalo kong nilakasan ang bawat pagsuntok. Tumalsik sa damit ko ang dugong galing sa mukha niya. Tumigil ako saglit at tinitigan ang halos hindi na makilala niyang anyo. Natatabunan na ang halos kabuuan ng kaniyang mukha ng pulang malagkit na likido.

Why did he left me? Bakit Jeremiah?

"What do you mean he won't be attending our classes anymore?" I impatiently asked our Adviser.

Kanina pa ako nagtataka, dahil alas tres na ng hapon ngayon pero ni anino ni Jeremiah ay hindi ko man lang nasulyapan. Hindi si Jeremiah ang klase ng estudyante na aabsent. Dahil kahit na nga wala itong sapat na tulog ay pumapasok parin ito.

"Nag-transfer na siya, Muse. Actually biglaan lang, kanina may pumunta rito para asikasuhin ang dapat na asikasuhin, and from today, hindi na siya papasok dito." Para akong nabingi sa sinabi niya.

Sumigaw ako at binigyan pa ng isang malakas na suntok ang pisnge ng lalaki, saka siya sinakal. Nanghihina niyang hinawakan ang mga kamay ko, his muscles are shaking... legs struggling... he badly want to get rid of me... gusto niya akong itulak palayo pero hindi niya kaya... The more you resist. The more I'll hurt you.

Why? Sinubukan ko namang maging mabait. May mali ba akong nagawa? Bakit kailangan niya akong iwan?! Friends... friends don't do that! Wala akong ibang naging kaibigan noon, pero sigurado ako! Friends shouldn't  just leave like that!

Why am I livid right now? What's happening to you, Muse?

I want to stop. But I can't. All I am seeing is... completely dark. Not red, not anything, but a shade of black. Very, very, very dark. Like punching this guy endlessly will give me... light. Please... just get me out of here. Light... where's my light?

Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang lumipas bago ko tinantanan ang lalaki. My fist, my clothes, my skin... are tainted with blood. And I'm also drenched with my own sweat. I feel so exhausted. My hands are swollen and numb. May nagbabadyang mga luha sa aking mga mata, pero hindi naman nahuhulog.

Tumayo ako at naglakad palayo sa nakahandusay na tao, wala sa sariling umupo ako sa sahig at isinandal ang aking likod sa dingding. Tulala ako, pero nagawa ko paring tawagan si Kuya First.

A couple of ring was made before he finally picked up, "hey, you called?"

"K-kuya..." my eyes drifted to the boy's body on the floor, bathing with his own blood, rarely breathing, "I think he's dead."

I heard him utter several curse on the other line. Binaba ko ang cellphone ko sa ibabaw ng aking hita, pero hindi ko pinatay ang tawag. I'm not sure of how long I waited, basta hindi nagtagal ay dumating na sila Kuya at ang mga pinsan ko.

Fheris immediately checked the boy, while my brothers went to me. Sinuri nila ang kalagayan ko, kung may sugat ba ako o kahit galos. They keep on asking me questions, but I remained silent. Nakatulala lang.

Isang malakas na sampal ang iginawad sa akin ni Lola Purple. I saw my brother's reactions, they aren't pleased, muntik pa ngang makahakbang si Kuya Second palapit sa akin. Kung hindi lang siguro si Lola Purple ang may gawa ay baka ano na ang nangyari, even my other cousins clenched their jaws.

Dangerous Muse (ASHLEY 10) ☑Where stories live. Discover now