Chapter 10

86 1 0
                                    

|Chapter|10|Simple|

Happiness is a feeling, but I found it on a person. Finding and maintaining it is difficult, because it will easily fade if you won't do anything for it to lasts. Kaya pala maraming takot maging masaya, it's not because they fear the consequences, but rather being used to it. Kapag bigla nalang itong nawala at napalitan ng bago-- iyon ang nakakatakot.

Pain, I'm used to it in terms of physically. Hindi biro ang pinagdaanan ko, para lang masigurong hindi ako papalpak, na talagang mapro-protektahan ko ang mga dapat kong protektahan. Hindi ko alam kung ano ang basehan ni Lola Purple sa pamimili, kung bakit ako ang pinapaligpit niya sa mga kalaban namin, at kung bakit kailangan ako ang magbantay sa kay Isaah.

My brothers are better than me when it comes to hand-to-hand combat, even with guns, ni wala ako sa kalahati ng galing nila. But they are often assigned to paperworks and business deals, iyong hindi nila kailangang pagpawisan dahil magsasalita lang naman sila. Utak lang. Matalino rin naman ako. So what did Lola Purple see in me? Did she saw any potential of me being a killer? An assassin? A bodyguard? Ridiculous.

"Paano na si Isaah?" Jaylord suddenly asked.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Jaylord, he's been following since first period. We're classmates, so avoiding him is not very possible. Isa pa ang lalaking ito, his father was once our enemy, pero ngayon ay halos halikan na sa paa si Lola Purple. They are also powerful, but they bend their knees to us.

"What about him?" I idly said.

Napa-iling siya sabay kagat sa pang-ibabang labi. Isinilid niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang pants. Hindi maayos ang pagkakabutones ng suot niyang polo uniform, nakikita ang itim na damit na siyang panloob niya. 

"Aren't you two dating?" He stated, sounding reluctant.

I arched my brow, "At sinong nagsabi sa'yo? Siya?"

Hindi siya sumagot, he just studied my face before he let out a heavy sigh. Isaah must've gave them an ambitious confirmation. Matagal na kaming pinagdududahan ng mga kaibigan niya, binalewala ko lang dahil alam akong titigil din sila.

At wala namang kahina-hinala sa amin ni Isaah, ni halos hindi ko ngitian ang taong iyon, tapos iisipin nilang may relasyon kami? Are they insane?

Isaah has been vocal about his feelings for me, and I am too. Lagi kong pinapaalala sa kaniya kung gaano ko siya ka-ayaw. So what's there to spill? There wasn't even a tea!

"Rest assured that I am not cheating, Jay. Your friend and I aren't dating, I'm not even interested to him." I said out of honesty.

Iniwan ko na siya. Alam kong may gusto pa siyang itanong, at magiging paulit-ulit lang ang mga sasabihin ko kaya huwag nalang. I don't really like explaining my side, lalo na sa mga tao na ang sarili lang naman nila ang gusto nilang paniwalaan.

A smile automatically draws on my lips when my eyes found Jeremiah, he's patiently waiting for me, nakasandal siya sa dingding, wala siyang dalang kahit ano. Nakatingin siya sa kawalan at mukhang may malalim na iniisip. I made my pace faster.

Nagkita na kami kanina pagkadating na pagkarating ko rito sa school, and it's been less than five hours since then, but I... shamelessly missed him!

"Hey," mabilis ko siyang hinalikan sa pisnge.

Nagsinghapan ang mga nakakita sa amin, but I don't care. Nanatiling nasa kay Jeremiah ang mga mata ko habang nakangiti ng matamis. Namumula na ito at hindi makatingin sa akin.

"You didn't bring any book? Natapos mo na iyong binabasa mo?" I opened a topic.

He nodded. Adorable. I held his hand and kissed his other cheek. He stilled and swallowed. Nang makabawi, ay siya na mismo ang nagsiklop ng mga daliri namin.

Dangerous Muse (ASHLEY 10) ☑Where stories live. Discover now