Chapter 17 - Fliss's Possesion

333 14 0
                                    

TERRENCE POV
"What are you doing here?" Tanong ko kay Yva na nasa tamabayan namin ngayon.

At paano naman kaya sila nakapasok dito gayong halata namang taga ibang University sila? Hindi kaya'y umakyat sila sa napakataas na pader ng eskwelahang ito?

"Tsk." Nasabi ko nalang saka buntong hininga ng malalim.

"Tsk. Uwi na tayo." Yaya niya kaya naman napakunot noo ako.

Bakit naman nagyaya ng umuwi ang babaeng 'to?

"Mauna ka na." Sagot ko saka sumandal sa sofa

"Sabay na tayo." Saad niya

"Isama mo na si Flaire." Tugon ko

"Sige, uuwi na tayong tatlo."

"Sunod nalang ako."

"Kaya nga, uuwi na tayo!" Sigaw niya kaya naman nang-init ang ulo ko bigla at napatayo ako sa upuan ko.

Ayaw na ayaw ko kasi ng sinisigawan. Pakiramdam ko ay nagmumukha akong tanga!

"Wag mo akong sigawan!" Sigaw ko rin.

"Ikaw ang sumisigaw!"

"Anong ako?! Ikaw ang nauna!"

"Dahil ang tigas ng ulo mo!"

"Bakit? Nakakita ka na ba ng ulong malambot?!" Sigaw ko uli

"Actually Bro, may malambot talagang ulo eh hehehe."

"Shut up!" Sigaw namin kay Rocco na madumi ang utak.

"Haha sorry po." Aniya kaya naman naghagikgikan ang iba ko pang tropa dahil sa kabastusan ng lalaking 'to.

Pero kung iisipin ay tama nga naman siya. May malambot nga! Haha oo, ano ngayon kung green? Palag kayo?

"Bakit ba pinapauwi mo na ako?" Harap ko uli kay Yva

"Ah. Eh." Aniya na hindi mahanap ang tamang salita

"Ahem." Tikhim ni Rocco kaya napatingin ako sa kanya.

"Tangna. Sarap mong bangasan!" Sabi ko sa kanya dahil nakangisi ang loko na parang may naglalarong kadumihan sa utak.

Lumapit naman siya at umakbay sa akin "Bro, isa lang ang ibig sabihin niyan."

"Ano?" Tanong ko naman sa kanya na maging ang iba ay nasa kanya ang atensyon.

"Gagawa daw kayo ng baby." Sagot niya na ikatunganga ko na siya namang alis niya agad sa tabi ko.

Uuwi na kami para gumawa ng baby?

Kami? Gagawa ng baby?

Siya? Gusto niyang gumawa kami ng baby?

Ako? Tataniman siya ng--Argh!

Pesteng Rocco talaga 'to!

Nilingon ko si Rocco nang bumalik ako sa katinuan para sana batukan pero huli na dahil naghahabulan na sila ni Yva. Hinahabol na siya ni Yva dahil sa sobrang hiya. Sus. Goodluck nalang sayo Bro. Amazona pa naman yan.

Nagtawanan nalang kaming lahat ng mahuli siya ni Yva at pinulupot ang isang braso nito na halatang hindi naman mahigpit pero wagas kung makaaray si Rocco.

Naupo nalang uli ako sa upuan ko na nakatawa sa eksena nung dalawa ng may mapansin ako sa katabi kong si Xyddan.

Tinignan ko siya na siya namang tingin niya kay Flaire. Anong problema ng lalaking 'to? Parang mangangain na ng tao sa talim ng tingin at bakit kay Flaire pa?

My Troublesome Guy ✔Where stories live. Discover now