Chapter 12 - His Wife

321 28 3
                                    

TERRENCE POV

"Yva, calm down." suway ko kay Fliss dahil namumula na siya sa galit at ngayon ko lang siya makitang ganyan.

"I will, by the time that I saw her face crumpled!!"

Fvck!

Nanggigigil na siya sa galit pati pagkahawak niya sa pulso ko ay humigpit na.

Binitawan agad ako ni Ensina kaya hinila ako ni Fliss at tinago sa likod niya. Ganito ba talaga mag-away ang mga kababaehan? Magsasampalan at magsasabunutan?

"Walang hiya kang babae ka!"

Sasampalin na sana ni Ensina si Fliss pero nagulat ako sa nakita ko.

Sinangga yun ni Fliss at ibinalibag siya sa sahig. Wala namang pag-aalinlangang tumayo si Ensina at ngumisi saka sumugod uli kay Fliss.

Pumunta agad ako sa gitna para sanggahin ang sipa nung Ensina kay Fliss pero tinulak lang niya ako ng malakas papalayo.

Napamaang na lang ako sa mga napapanood ko. Mabilis na yumuko si Fliss para iwasan ang sipa saka tumambling sa likod ni Ensina. Hinila niya agad ang kaliwang braso nito at ibinalibag ng dalawang beses sa ere hanggang bumangga ito.

Sa kabilang banda, nakikipaglaban din si Flaire. Ano bang nangyayari dito? Naguguluhan na ako. May hindi ba ako alam? Bakit ang galing nilang lumaban? Gangster din ba sila? Kung oo, sa anong grupo sila kasama?

Kitang kita ko na seryosong seryoso sila. Lalo na si Fliss dahil halos hindi na makatayo yung kalaban niya.

Nilapitan niya ito at naupo. "I told you not to mess with me. And by the way, I don't share what's mine!" sabi niya saka tumalikod at nagumpisa ng maglakad.

"What do you mean?!" sigaw ni Ensina dahilan para mapalingon siya.

"It's about Terrence."

Huh?

About me?

Ano naman kayang ginawa ko at nadamay pa ako sa awayan nila?

"Ha! Who do you think you are?!"

"I'm Fliss Yva Ybanez-Fernando his lawfully weded wife! Keep that in mind."

What the fvck!!!

Sinabi ng wag niyang ipagsabi eh! Ang daldal naman!

Naglakad na siya papalapit sa amin at naupo sa tabi ni Flaire. Binottoms up niya ang isang baso ng alak saka tumingin sa akin ng masama.

Ano na naman?

Bakit ako?

Ano na namang ginawa ko?

Nanahimik ako dito eh.

Tsk.

Ininom ko na lang ang alak ko. Kahit na hindi ako sa kanila nakatingin ay nakikita ko na tinitignan ako ng mga kagrupo ko na para bang kailangan kong mag-explain maliban kay Xyddan na alam naman talaga niya ang dahilan.

"The two of you." napatingin ako kay Zachary na nakatingin kila Fliss at Flaire. "Be one of our group."

Naghihintay lang kaming lahat sa magiging sagot ng dalawa. Bahagya namang nagkatinginan ang dalawa na parang nag-uusap ang mga mata.

Maya maya'y sabay nilang binottoms up ang isang baso ng alak saka tumingin ng diretso ng mata sa mata kay Zachary.

Napaangat naman ang gilid ng labi si Zachary. "Good." Napainom rin siya ng alak.

FLISS POV

Grabe.

Hiningal ako sa pakikipag-usap sa babaeng yun. Ang kapal kasi ng mukha. Ako pa ang kinalaban niya?

My Troublesome Guy ✔Where stories live. Discover now