Chapter 5 - Again

341 28 4
                                    

TERRENCE POV

"Grabe ka naman, Bro! Kanina ka pa hikab ng hikab dyan ah?" puna sakin ni Asul

"Don't mind me." sabi ko habang nakasandal kami sa kanya kanya naming kotse. Nandito kasi kami ngayon sa parking lot.

"Tara, basketball tayo?" yaya ni Kupas (Gray)

"Tamad ako Bro." sagot ni Xyddan na namimikit na ang mga mata.

"May meeting kayo kanina?" tanong ni Rocco

"Yeah."

Alam nilang tatlo na myembro kami ni Xyddan ng Gang at tanggap nila yun. Iba't iba kami ng ugali at pagkatao pero ewan ko kung bakit kami nagkakilala. Okay naman dahil masaya silang kasama.

"Tsk. Sige na nga. May gagawin pa pala ako mamaya."

"Don't tell me, maggi-girl hunting ka na naman?" tanong ko kay Rocco. Babaero yan eh, kahit naka-arrange marriage na.

"Ah, guguluhin ko lang ang nanahimik kong fiancee." saka siya ngumisi

"Tangna. Sarap mong bangasan!" sabi ko. Makangisi kasi.

"Lahat naman kasi ng nakangisi ay gusto mong bangasan eh."

"Magtino ka na kasi, Bro." Payo ni Kupas

"Tsk. Langya! Kayo na banal! Hiyang hiya naman ako!"

"Why so gay?" sabi ni Asul na nagboses bakla kaya nagtawanan na lang kami.

Mga ugok kasi 'tong mga 'to eh!

Puro kalokohan ang alam.

"Nakng! Ambading mo Asul!" bulaslas ni Rocco

"Ayos lang yun, kaysa naman magkaroon ng Aids!" bawi nito

"Ampotek! Safe sex ako noh!" singhal niya.

"Tangna. Wag mong dagdagan ng kahalayan ang kwento ko, Rocco." paalala ko

"Oo na. Tsk. Mauna na ako sa inyo!" saka na siya sumakay sa kotse niyang convertible.

"Wag mong manyakin ang pinsan ko, Rocco! Baka mabaog ka ng wala sa oras!" sabi ni Xyddan

"Namo!!" sagot lang nito ng makaalis

"Rocco, Nakakaloko ang sarap!" pahabol ni Asul

Nagtawanan na lang kami dahil sa inasta niya. Grabe. Ibang klase 'tong mga kaibigan ko. Mga baliw!

Hanggang sa nagsisakayan na kami sa kanya kanya naming kotse.

Kumatok si Xyddan sa bintana ng kotse ko kaya binuksan ko ito ng bahagya.

"Nakalimutan mo." inabot niya sa akin ang paper bag saka bumalik sa kotse niya.

Pinaandar ko ang kotse ko ng mabagal lang. Trip ko lang. Baka kasi makaidlip ako.

Alas dose na kasi ako nakatulog saka alas kwatro pa ako nagising para sa meeting ng Gang.

Sabi kasi ni Zachary na pwede na kaming magdagdag ng isa o dalawang babae sa grupo para maging sampo na kami pero ayaw ko ng problemahin pa yun. Sila na ang bahala dun.

Yawnnn

Ahay,

Inaantok na talaga ako!

Makauwi na nga.

Binilisan ko na lang ang pagdadrive ko saka pilit na ginising ang mga mata para maging alerto. Wala namang masyadong trapik.

Pinark ko lang sa harap ang kotse ko saka nagmadaling umakyat sa kwarto ko dala dala ang paper bag na 'to. Paano ko naman kaya 'to ibibigay kay Yva?

My Troublesome Guy ✔Where stories live. Discover now