Chapter 7 - A Plan

340 28 5
                                    

TERRENCE POV

Naalimpungatan ako sa galaw ng kama pero nanatili parin akong nakapikit.

"Aaaahh!!"

"Fvck!!" Napamulat ako ng mata sa gulat.

May naninigaw kasi! Nakalunok yata ng sound system.

"Bitawan mo 'ko!!"

Huh?

Binitawan ko siya agad. Bakit naman siya nakaunan sa braso ko? Nakayakap din siya. Nakayakap rin ako. Ibig sabihin ay magkayakap kami.

Teka?

Kagabi?

Napatingin ako sa ilalim ng kumot.

Tangna. Wala akong saplot!!

"Aaahh!! Anong ginawa mo sakin?!"

Tumingin ako sa kanya na nakatapis na ng Robe.

Totoo ba 'to?

Na may..

May nangyari sa amin?

Hindi kapani-paniwala!

Ugh!

Naalala ko na.

Siya ang unang nanghalik.

"Alalahanin mo ng mahiya ka namang pagbintangan mo 'ko."

Hindi niya ako sinagot bagkus nagmartsa na siya papuntang banyo. Nakita ko ring namula siya. Naalala na niya siguro na siya ang gumawa ng first move kahit na anong pigil ko.

Tumayo ako para kunin ang tuwalya na nakasabit saka ipinulupot ko sa alam niyo na.

Lalabas na sana ako ng kwarto pero nahagip ng mga mata ko ang kama ko. Nilapitan ko ito para makompirma. Tsk. Tama nga. May Blood Stain na patunay.

Napailing na lang ako sa ginawang kalokohan ng mga ama namin dahil sa wakas, nagtagumpay sila sa plano nila.

Sa Main bathroom na lang ako maliligo since naliligo pa si babae. Bumalik na akong kwarto pagkatapos ko sakto namang kalalabas lang niya. Mga babae talaga, matagal maligo.

Pinasadahan ko lang siya ng tingin saka dumiretso na sa walk in closet ko. Mahirap na. Bago maulit uli.

Nang makapagbihis na ako'y lalabas na sana ako para pumasok pero kailangan ko pa pala siyang ihatid. Tulad ng sabi ni Dad.

"I'll wait for you outside." sabi ko. Halata namang nagulat siya ng magsalita kami.

Awkward naman kasi talaga eh.

Imagine, nang-init lang kami ng todo eh yun na agad ang kinahinatnan ng lahat. Partida, hindi pa kami lasing niyan ah.

Sumakay na ako sa kotse habang hinintay siya. Maya maya'y nakita ko na siya sa side mirror na naglalakad ng mabagal.

Tsk.

Adik!

Kala mo ba ikaw lang ang nahihiya? Ako rin kaya.

Akalain mong uminom lang kami ng juice ay ibang juices na ang lumabas sa amin?! Takte naman!!

Kasi---

Wait.

Juice?

Yung Juice kaya ang dahilan kaya nang-init kami pareho? Ng sobra sobra kaya halos mapaso na kami sa kahit na titigan pa lang?

Hindi kaya?

Tangna. Hangang hanga na talaga ako kina Dad at Papa. Tsk. Daming alam!!

Ikinabit ko ang Hand Free kit ko para tawagan si Dad na siyang kasasakay lang ni Yva sa passenger seat kaya inistart ko na ang engine.

My Troublesome Guy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon