Epilogue

259 10 0
                                    

"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw ni Kupas sa harap ng aming mga pamilya at mga kaibigan pati narin sa mga bisita

Sa wakas ay masasabi kong totoong kinasal na kami ni Yvo. Kahit na ba napakasungit ng lalaking ito ay akin ring nasungkit.

Ayos lang kahit maangas ang datingan basta ang importante ay mahal niya ako. Nagmamahalan na kaming dalawa ng totoo. Kahit na pa may Trina pang umeksena ay hindi na uubra kay Yvo. Sa akin na talaga siya.

Sa buhay mag-asawa ay hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan at pag-aaway pero sa huli rin ay kayong dalawa rin lang ang magtutulungan.

Inaamin ko namang sa ugali ko at ugali niya ay walang magpapatalo pero madadaan rin naman yan sa wastong usapan.

Kabilang siya sa mga gangster at panay gulo ang ginagawa pero kahit kailanman ay hindi siya nambabae kaya doon palang ay alam kong panalo na ako. Subukan lang ng kahit na sinong babae na landiin siya ay baka makalbo ko pa siya lalo na ngayon na kasal na kami at alam na ng publiko.

"Upo na tayo." Yaya ni Yvo sa upuan na inayos nila sa may harapan.

Sa gitna ay kaming dalawa at sa may gilid ay ang aming mga magulang na tuwang tuwa at hindi maisara ang mga bibig sa sobrang tuwa.

Inabot ni Yvo ang kanin at una niyang nilagyan ang aking pinggan tapos nilagyan niya rin ang kanyang pinggan. Sunod naman ay ang ulam. Habang nilalagyan niya ito ay hindi ko mawari ang aking nararamdaman.

Agad akong napatayo at tumakbo palabas. Nagulat ang aming mga bisita lalo na ang mga magulang namin. Sinundan ako ni Yvo at ng mga pamilya namin pati narin ang mga kaibigan namin.

"Anong nangyari?" Tanong ni Yvo

Hindi ko alam pero nasusuka ako. Nasusuka ako pero walang lumalabas na suka.

"Baka naman buntis ka?" Malakas na tanong ni Flaire kaya naman lahat ay napatingin sa kanya

"Totoo?" Tanong ni Yvo

"Hi---" Sasagot na sana ako ng hindi ko alam pero agad akong binuhat ni Yvo saka aiya tumatalon talon

"Terrence! Ibaba mo nga si Fliss!" Sigaw ng Papa (Daddy ni Terrence Yvo.)

Sinigawan man ay parang walang narinig si Yvo kaya naman ay agad na lumapit ang mga kaibigan niya para ibaba ako. Gumamit pa sila ng pwersa para maibaba lang ako.

Jusko.

Muntik na akong mahilo doon ah.

"Sorry. Pero tangina. Ang saya ko! Hahaha!"

"Terrence! Ang bibig mo!" Suway naman ni Papa sa kanya kaya naman ay tawanan nalang ang mga tao.

Hindi naman talaga kasi madaling baguhin ang nakasanayan na.

Basta ba ang importante sa akin ay magiging isang masayang pamilya na kami. Ako, si Yvo, si Daffodil at ang munting anghel na nasa tyan ko ngayon.

-End-

My Troublesome Guy ✔Where stories live. Discover now