Chapter 10 - Tempted

321 30 7
                                    

I dedicated this chapter to "PsycheSpellCaster" for adding this story into her Reading List. Thank you so much! \(^_^)/

♡♡♡♡♡♡♡

Chapter 10 - TEMPTED

FLISS POV

Masaya na sana kaya lang umalis na lang siya ng basta basta!

Okay na sana ang lahat kaya lang wala siya.

Hay naku.

Sabay sana kaming uuwi kaya lang nauna na sila kasama si Xyddan at hindi man lang sinabi kung anong dahilan. Ni hindi nga ako tinawagan o tinext. Si Rocco lang ang nasabihan. Tsk.

Namimiss ko na nga siya. Oo. Masama ba?

Nasa bahay na 'ko. Umuwi narin kasi kami agad nung umalis ang asawa ko. Syempre, hindi na masaya kaya uwian na daw sabi ni Rocco.

Nakapaglinis at nakapagluto narin ako. Hinihintay ko na lang siya para sabay na lang kaming kumain.

Nilibang ko na muna ang sarili ko sa panonood ng pelikula. Kahit na pangalawang salang ko na 'to.

Maya maya'y narinig kong bumukas ang gate kaya napatayo ako papuntang main door at inabangan ko siyang pumasok.

Siya nga.

"Ikaw nga!" sabi ko sa tuwa

Napakunot noo siya "Pwede bang wag kang basta basta na lang nagaabang dito? Paano kung hindi ako 'to? Masamang tao pala? Manakawan pa ako." sabi niya saka nilagpasan ako

Nanatili lang akong nakatayo at lihim na nakangiti. Concern sakin ang asawa ko? hihihi

Tumatalon talon akong pumuntang Sofa dahil sa tuwa na nadarama.

"Wag ka ngang tumalon! Baka madulas ka! Tatanga tanga ka pa naman!" sita niya sakin

Bakit ganun?

Imbis na mainis ako ay kilig lang nararamdaman ko ngayon?

Bakit nga ba?

"Kumain ka na?" malambing kong tanong.

"Di pa."

"Tara, kain na tayo. Pinagluto uli kita ng Giniling na Karne." yaya ko

"Tsk. Buti sana kung ikaw yung gumiling." bulong niya pero sapat na para marinig ko.

"Ano kamo?" bingi bingihan kong tanong.

"Kakain na kako." saka siya nagtungo sa kusina kaya naman sumunod na ako.

May kalokohan tuloy akong naiisip hihihi. Humanda ka mamaya mahal kong asawa.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas siya. Mukhang naglalakad lakad at nililibot ang bahay.

Tumakbo agad ako sa kwarto namin matapos kong hugasan ang aming pinagkainan para maisagawa na ang aking plano.

Naghilod ako ng mabuti at ginamit ang pinamabango at kaakit akit na bath soap saka nagshampoo ng pinakamatamis na amoy.

Mula sa loob ng banyo ay rinig kong bumukas ang pinto ng kwarto namin. Malamang, pumasok na siya. I guess, kailangan ko ng lumabas para sa Step 2.

TERRENCE POV

Pumasok na ako ng kwarto pagkatapos kong magpahangin sa labas. Tsk. Badtrip kasi. Andun na eh. Malapit ko ng mapatay yung leader ng Slug Gang peri hindi nangyari. Si Zachary kasi, matapos mapatay yung pakay niya saka nagyaya ng umalis. Tsk.

Kailangan ko pa palang magshower. Lumabas uli ako ng kwarto para sa guess room na lang maligo baka kasi nagbababad na naman si Fliss. Yung babaeng yun talaga, minsan may pagkaewan. Tsk.

My Troublesome Guy ✔Where stories live. Discover now