Chapter 14 - Continuation

309 25 11
                                    

TERRENCE POV

They're back.

And I don't know why.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

I truly missed her. Nangungulila ako sa kanya. Nangungulila ako sa kalinga ng isang Ina. Iniwan niya ako at dinala niya si Kuya Clarence.

Daddy's boy kasi ako at Mommy's boy siya. Kaya nung naghiwalay sila Mommy at Daddy ay pati kaming dalawa ay nadamay sa nangyari.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng paglalakad. Kasama ko si Yva. Hindi na ako umangal na paalisin siya dahil ayaw ko naman talagang mag-isa. I don't want to be alone.

Thankful narin ako dahil dumating siya sa buhay ko. Dahil may kasama na ako at hindi na ako mag-iisa. Though, hindi naman talaga ako mag-isa dahil nandyan din si Dad pero lagi siyang busy sa pagtatrabaho at naintindihan ko naman siya dun kasi alam kong para sa akin din yun.

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang makapasok na kami sa kakahuyan. Tanging mga ingay ng tuyong dahon at ng mga hayop. Wala namang mga mabangis na hayop dito. Pinapalinis kasi nila Grandma at Grandpa 'to kaya puro ibon at paru paro lang ang nandito.

Nakita ko naman sa pheriperal vision ko na palinga linga 'tong asawa ko. Nasisilawan kasi kami ng Bilog at maliwanag na buwan.

Ilang hakbang na lang ay malapit na kami. Sa lugar kung saan ako nakakapagrelax, nakakapagpahinga at nakakapag-isip.

Maya mayay natatanaw ko na. I heard my wife gasped. Ang ganda kasi ng lugar na 'to.

Pinagawa ko rin 'to kay Dad nung umalis sina Mommy. Maliit bahay na made of glass pati bubong. Bullet proof 'to kaya safe na safe din.

Nang makarating kami sa harap ng bahay "Lights." sabi ko. May voice command kasi at ako lang ang nakakapasok dito.

"Whoah!" manghang sambit ni Yva.

Humarap ako sa harap ng pinto. "Open door." saka bumukas ito at pumadok na kami sa loob.

FLISS POV

Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Sobrang ganda. Grabe. Ang mahal siguro ng pagpapagawa dito.

Bongalow style lang siya then may isang malaking kama at may maliit na kusina. Ang gaganda ng materyales ng bahay na 'to.

"Pakisara yan, baka may pumasok na langaw." sabi niya matapos niyang isara mismo ang bibig ko.

Ngumuso ako "Masama ba?"

"Oo baka bumaha dito dahil sa laway mo." aniya at tumalon sa kama.

Aba't sumusumpong na naman ng pagkamaldito 'tong lalaking 'to ah.

"Anong akala mo sakin?!"

"Malaki bibig (_ _")"

"Anong sabi mo?!"

"Malaki bibig." Aba talagang inulit nga niya.

"Inulit mo pa talaga?!" singhal ko na ngayo'y nakapamaywang na.

"Bingi ka eh."

"Hoy, lalaki!--"

"Ingay. Sakit sa tenga."

(-_-#) Abnormal talaga 'tong lalaking 'to kahit kailan. Kanina nga lang halos maiyak eh. Gusto ko sanang pagtawanan pero baka umiyak pa lalo.

"Ang bipolar mo talaga!!"

"Tsk. Mas Bipolar si Asul."

Ano naman kinalaman ni Asul dito? Bakiy siya napasok sa usapan namin?

My Troublesome Guy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon