Chapter 1 - Heartbreak

795 35 9
                                    

Takte talagang buhay ito!!!

Nakakabwisit!!!

Ano bang problema niya???

Pagkatapos ng lahat bigla na lang niya akong iiwan!!!

"Isa pa ngang pinakamatapang diyan!!" Sabi ko sa bartender.

Oo, nasa bar ako ngayon at nagpapakalunod sa alak dahil sa lintik na pagmamahal na iyan!!

Niloko ka na nga! Ginamit ka pa!!

"Ito na po Sir." kinuha ko ang alak at saka tinungga. Bottoms up hahaha!

"Isa pa!" Sigaw ko sa kanya

Tss! Walang hiya siya!

Hindi tuloy maalis alis sa isip ko!

Hangang ngayon naaalala ko pa iyong mga pangyayari na PARANG KAHAPON LANG.

-Flashback-

"Ayoko na Rence." Napalingon ako kay Trina habang nakaupo kami sa isang shed ng Park.

"Ha? Sige, Tara na. Uwi na tayo." Tumayo na ako at inabot ko na ang kamay ko sa kanya.

"It's not that." nagtaka ako sa sinasabi niya kaya umupo uli ako.

"Anong Ibig mong sabihin?" hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa tuhod niya.

"Ayoko na. Maghiwalay na tayo Rence." Inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"Trina. Ano bang sinasabi mo?" Sinilip ko ang mukha niya pero wala siyang emosyon.

Biglang tumayo si Trina.

"Ayoko na sayo." Tumayo na din ako at hinarap siya.

"Hindi totoo yan Trina. Sabihin mong nagbibiro ka lang, di ba?" Hinawakan ko siya sa kanyang balikat at tinitignan ang mukha niya.

"Totoo lahat Rence. Saka aalis na ako, kasama ako sa tutugtog ng piano sa ibang bansa at alam kong alam mong matagal ko ng pinapangarap iyon." Oo, iyon nga ang pangarap niya, ang tumugtog ng piano at makilala sa buong mundo.

"Sasamahan kita kung gusto mo? Susuportahan pa kita (^_^) Basta huwag lang tayong maghiwalay, Mahal na mahal kita Trina." Niyakap ko siya ng mahigpit na parang ayaw ko na siyang pakawalan.

"Hindi mo pa ba talaga maintindihan? Ginamit lang kita Rence, Dahil alam kong marami kang Connections sa mga maimpluwensyang tao." Kumawala siya sa yakap ko na parang hindi gumagana ang utak ko sa mga narinig ko.

"B-bakit? pero di ba sabi mo mahal mo ako?" Hindi ko maiwasang itanong.

"Mahal kita Rence.." Natuwa ako na mahal niya rin ako. "Pero mas mahal ko ang pangarap ko, na kaya kong talikuran lahat.. pati ikaw." What did she just say? Bakit?

"Trina, wag mong gawin ito! Mahal na mahal kita! kaya naman kita suportahan eh kahit nasa ibang bansa ka pa!" Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"Hindi ka ba marunong umintindi Rence??!!! Gusto ko ako lang mag-isa!!! Hindi ko kailangan ng tulong mo!!!! At lalong lalo na iyang pagmamahal mo!!!" Sumisigaw na siya at hinablot ang mga kamay niya sa pagkakahawak ko saka siya tumakbo palayo.

"Trina!!" Hinabol ko siya at hinila ang isa niyang braso.

"Rence naman! Intindihin mo sana ako!!" Tumingin siya sa akin.

"Hindi ko maintindihan Trina, T@n6!n@!! ipaliwanag mo!!"

Hindi ko na mapigilan ang mapamura dahil sa nangyayari, hindi naman ako talagang ganito eh.. Lagi akong nakikipagbasag ulo, palaging umiinom at nagbabar, nagcacasino din ako, wala akong alam sa pagmamahal dati, wala akong pakialam sa mga babae pero dumating siya bigla. Binigyan niya ako ng pinakamatamis na ngiti na siyang ngumiti din ako, pagkatapos nun palagi na kaming magkasama. Nagustuhan ko siya dahil sobrang bait niya at magaling siyang tumugtog ng piano.

My Troublesome Guy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon