Chapter 13 - From The Moment

331 25 4
                                    

FLISS POV

Alam niyo ba na ang saya ko ngayon?? Syempre hindi dahil sasabihin ko palang.

Pupunta kasi kami sa bahay nila Lola at Lolo. I mean, niya.

Mami-meet ko na rin ang grandfather and grandmother in law ko sa wakas. Kanino pa siya nakabusangot dahil sesermonan na naman daw siya sa mga pinaggagagawa niya.

Tumawag kasi sila kagabi pero sa akin sila tumawag dahil hindi daw sumasagot si Yvo. Nakuha nila ang number ko kay Dad. Kaya yun, text na ako ng text sa kanya kagabi. Tinakbuhan ako ng Loko saka nakipagkita na naman sa mga kaibigan niya. Tapos ng hindi na siya nagrereply ay tinawagan ko na agad su Flaire para samahan ako.

Ito naman kasing si Rocco. Yaya ng yaya kahit may asawa na yung kaibigan niya. Yan tuloy halos hindi na kami nakakapaglabing labing ni Mister hihihi. Naku. Ang pilya ko talaga. Tsk Aakitin ko na sana uli siya kagabi dahil lasing siya pero peste dahil knockdown agad. Tinulugan ba naman ako?

"You look like a fool."

Napatingin ako sa katabi ko. "What did you say?" tanong ko kahit narinig ko naman.

"Hindi ka na nga maganda, bingi ka pa." sabi niya pero nakatingin parin sa daan.

"Huwaw! Hiyang hiya naman ako sayo!" buwelta ko.

"Dapat lang. Ang gwapo ko kaya."

"Grabe, ang kapal naman ng kalyo mo sa mukha sa sobrang kapal!"

"Tsk. Kunware ka pa."

"Ano na naman?!"

"Ingay. Sakit sa tenga."

Leche talaga 'tong lalaking 'to. Nakakainis ang mga expression niya. Like, 'Tanga. Sarap mong bangasan' at 'Ingay. Sakit sa tenga.' Yan yung mga yun. Minsan nga naa-adopt ko na eh.

Lakas kasi makahawa.

"Anong silbi ng bibig kung hindi rin naman gagamitin?"

"Project mo yan."

Ano kaya yun?

"Ano?"

"Tanga talaga."

Nang init ang bumbunan ko sa sinabi niya. "Anong sabi mo?!"

"Napepestehan na ako sa kabingihan mo."

"Ugh! Manahimik ka Yvo!!!"

"May bibig ako."

"Tangna. Sarap mong bangasan!" Oops! Mali. Expression niya yun. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Nahahawa na ako sa lalaking 'to.

Tumingin siya sakin saka balik uli sa daan "Wag ka na ngang magsasama sakin. Gaya gaya ka eh."

"Bakit, ikaw lang ba may karapatang sabihin yun?!"

"Oo." aba't!

Magsasalita na sana siya pero tumunog ang phone niya.

If you ever leave me baby
Leave some morphine on my door
Coz it would take a whole lot of medication
To realize what we used to have we don't have it anymore ~
There's no religion that could save me
No matter how long my knees are on the floor
To keep you by my side and keep you from walking out the door ~

My Troublesome Guy ✔Where stories live. Discover now