Chapter 11 - Thug Ground

328 31 10
                                    

FLISS POV

Bakit hindi man lang niya sinabi??

Na siya si Dark Slayer? Na gangster siya? Akala ko kasi nung una ay ordinaryong lalaki lang siya pero hindi pala.

Pangarap ko kayang makapangasawa ng gangster at ngayon. Natupad ang kaisa isang kahilingan ko.

Paano ko nalaman? May tatoo kasi siya sa likod. Dark Slayer ang nakalagay.

Hinding hindi na talaga ako papayag na mawala at maagaw pa siya ng iba sakin. Ipaglalaban ko siya lalo na ngayong mahal ko na siya at asawa na.

Nagmadali akong nagbihis sa walk in closet habang naliligo siya. Mukhang may pupuntahan siya at kailangan kong sumama baka mambabae pa yan. Dapat bantay sarado yan sakin.

Suot ko ang black leather tube at black leather fitted pants. I tie my hair with high pony. Naglagay din ako ng pulang pula na lipstick saka sumandal na ako sa pinto.

"Where are you going?" tanong ko

"I'll be back." sabi niya

"No. I'll come with you."

"What?! Are you out of your mind?!" singhal niya.

Alam ko naman na hindi mawawala ang bakbakan at gulo kapag mga gangster na ang pinag-uusapan saka kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko.

"No."

"Tsk."

Binuksan ko ang pinto at nauna akong lumabas at sumakay ng kotse niya. Ang bilis bilis niyang magdrive at gusto ko yun.

Tahimik lang kami buong byahe dahil mukhang seryoso siya hanggang sa makarating na kami. I know this place. This is Thug Ground, kung saan naglalaban laban ang maga gangster.

Amoy usok at alak. Umiinom naman ako at minsan nagyoyosi kapag stress na talaga ako.

Panay tingin ng mga taong madadaanan namin pero dirediretso lang kaming naglalakad papunta sa isang mesa.

Umupo siya kaya umupo narin ako sa tabi niya. Malamang mga kasamahan niya ang mga 'to. So, pati pala si Xyddan ay kasama niya kaya pala lagi silang magkasama. Nakatingin lang sila saking lahat maliban kay Xyddan pero itong kasama ko mukhang walang balak na ipakilala ako kaya bayaan na natin basta ang importante ay mabantayan ko siya.

Nagsalin ako ng alak sa baso sa tinungga. Namiss ko uminom.

"Don't mind her." sabi ni Yvo kaya binalik na ng mga kasama niya ang atensyon sa mga ginagawa nila.

Habang abala sila sa pag-uusap ay umiinom lang ako. Mataas kaya ang alcohol content ko. Saka hindi narin ako nag-abalang makinig pa sa usapan nila.

*Blag!*

Napalingon ako sa pinagmulan ng ingay. Naku, mukhang maglalaban laban na ang mga yun ah.

Sana naman ganahan akong panoorin yang mga yan para worth it naman para sa atensyong binibigay ko.

Habang nagkakagulo na ang lahat ay nakaupo lang sina Yvo at mga kasamahan niya. Parang walang nangyari at umiinom ng tahimik. Tahimik na nakikiramdam.

TERRENCE POV

Inom lang ng inom ang asawa ko kaya hindi mapigilan ng mga kagrupo ko na mapatingin sa kanya maliban si Xyddan dahil sa dami na ng nainom niya pero mukha namang mataas ang alcohol content niyan kasi mukhang umiinom lang siya ng tubig.

"Brad, lasing na yata yang kasama mo." puna ni Rushied ang Rank 4 sa grupo namin.

Nilingon ko uli si Fliss "Hindi yan Brad." sagot ko sa kanya.

My Troublesome Guy ✔Where stories live. Discover now