Chapter 4 - Meet Him Halfway

369 31 8
                                    

FLISS POV

How do I get
Closer to you
When you keep
It all on mute

How do I know
The right way
To love you

Usually the queens
Are figuring out
Beating down the man
Is no work out

But I have no clue
How to get
Through to you

Argh!!

Ang ingay!!

Istorbo!!

Alam ng natutulog ang magandang dilag eh! Tsk!

Ginapang gapang ko ang kamay ko sa kama para hanapin ang maingay kong cellphone.

Ayos, nakuha ko na!

"Hellow.."

(I bet, nakapikit ka pa't naglalaway sa mga oras na 'to!)

"Hmm.. What do you want?"

(Malalate ka na kasi eh, In 30minutes!)

Napamulat ako ng mata ko at tinignan ang orasan sa bedside table. Bakit hindi man lang tumunog 'to?! Kinuha ko ang Orasan saka ibinato para mabasag. Walang kwenta eh.

Tumayo ako agad. "Asan ka?!"

(Here at your sala.)

Inikot ang paningin ko. "Aaahh! Nyeta!! Asan ako?!" Kaninong kwarto 'to?!

(Tanga lang 'te? Kakakasal mo lang naman kahapon.)

Napatingin ako sa salamin ng bintana. Nagkalat ang bubog saka may mga sugat.

Naalala ko na. Nung kagabi pala. Nag-away kami kasi sa matabil kong bibig. Hindi ko naman kasi sinasadya yun eh. Badtrip lang talaga ako nun. Kasalanan ko naman talaga. Aminado ako.

(Hoy! Ano na?! Malalate ka na nga, mandadamay ka pa!! Eh kung iwan na lang kita?! Ha?!) nilayo ko ang phone ko sa tenga ko baka kasi mabingi ako ng wala sa oras nito. Mahirap na.

"Oo na!! Andyan na!!" saka ko pinatay ang tawag at dali daling tumakbo sa banyo pero bigla akong napatigil.

Asan ang mga damit ko?!

Binuksan ko ang cabinet pero wala dito. Wala nga naman pala akong damit dahil hindi ko 'to kwarto. Lalabas na sana ako ng mamataan ko ang walk in closet ni Terrence Yvo Fernando.

Naks! Nagryhme.

Huh?

Yvo?

Ako naman, Yva?

Takte! Di nga?

Ay ewan!!

Pumasok ako sa walk in closet niya. Grabe. Ang laki naman nito. Parang kasing laki na ng isang kwarto. Iba't ibang klase ang damit niya at puro may brand pa. Pwede na siyang magpatayo ng sariling Boutique. Magaganda rin ang mga designs ah? May taste pala ang lalaking yun.

Pero hindi ito ang oras para mamangha ako dahil late na late na talaga ako!

Inikot ko ang mga mata ko. May nakahanger na uniform at alam kong sakin 'to dahil may initials na FYY kaya mabilis ko 'tong kinuha. Tatalikod na sana ako pero may nakalimutan ako at swear! hindi ako pwedeng hindi magpalit ng underwear dahil baka katihin ako. At ayokong mangyari yun! Kayo ba? Malamang hindi rin diba?

---

"Grabe talaga! Hindi na sana kita dinaanan! Yan tuloy, pati ako late na!" kanina pa yang pinaulit ulit ni Flaire. Mula pagkapasok hanggang ngayong Lunch break ay yan parin ang sinasabi.

My Troublesome Guy ✔Where stories live. Discover now