Chapter 8 - Outing

340 29 4
                                    

Pagod na pagod na ang kamay ko. Paano ba naman kasi Dalawang oras na akong nagdridrive. Mga walang hiya kasi 'tong mga kaibigan ko!

Nagyaya pa ng Outing pero sa Tagaytay naman ang punta dahil may Rest house daw sila Asul dun at ako pa ang pinagdrive nila. Mga leche talaga!

Van ko ang ginamit!

Peste talaga.

Ako pa naabala!

Sinulyapan ko sila sa Rear Mirror kaya mas lalo akong nanggagalaiti sa inis, asar at pagkayamot dahil ang sarap ng tulog nila. May humihilik pa.

Pinagkaisahan ako ng mga hudas! Tangna. Sarap nilang bangasan!

"Are you tired?" napasulyap ako sa babaeng katabi ko saka binalik sa daan ang tingin.

Oo, kasama ang asawa ko pati narin kaibigan niya. Yung apat ko naman kaibigan ay walang maisama dahil puro sila, Boom panis!!

"Yeah." sagot ko dahil totoo namang nangangawit na ako at namamanhid na ang mga kamay ko.

"Are you up for subtitution?"

Huh?

Hmm

Not a bad Idea. "Okay" mabilis kong hininto ang sasakyan sa gilid saka nagpalit kami na kami ng puwesto. Kami lang dalawa ang gising eh.

Okay naman na kami. Isang linggo na ang nakakaraan mula ng may mangyari samin. Nauuna narin akong natutulog para wala ng mangyaring pagpipigil at paghihirap.

Ginalaw galaw ko ang kamay ko para hindi lalong mamanhid.

"Still numb?" tanong niya

"Yes." sagot ko

Minsan hindi ko maintindihan 'tong babaeng 'to. Minsan ang bait, minsan mataray. Pero okay lang dahil mas nangingibabaw ang palagiang mabait.

Lagi na niya akong pinagluluto. Nililinis niya na ang kwarto ng walang reklamo kahit makalat. Nagbake din siya ng Caramel Cake na nagustuhan ko talaga. Gumawa rin siya ng mga Cookies. Well, ang swerte ko ba?

Oo, ngayon ko lang narealize yun.

Maganda ang asawa ko, magaling magluto at hindi ko pa alam ang iba pa niyang katangian. Siguro mas makikilala ko pa siya ng sobra.

Sinulyapan ko siya ng mabilis. Seryoso siya sa pagdridrive at ang bilis pa. Mabuti nalang konti lang ang dumadaan ngayon kasi madaling araw na.

12am kasi kami umalis saka namili muna ng mga makakain sa daan sa convenience store at inabot kami ng Isang oras dun dahil yung mga kaibigan ko halos pakyawin na nila.

---

Nakarating kami sa destinasyon namin na pasikat na ang araw. Bumaba na si Yva. Sumilong sa malaking puno na may gumapang na damo kaya nakalambitin lang yun kaya sumunod narin ako at tumabi sa kanya.

Ang ganda naman ng View.

Napangiti ako saka nilingon ang katabi ko. Ngumiti rin siya, labas ang dalawa niyang dimple. Hinawakan ko ang kamay niya saka tumingin uli sa Pasikat na araw.

Hindi ko man mahal ang asawa ko pero alam ko sa sarili kong matutunan ko rin. Hindi siya mahirap mahalin dahil sa mga katangian niya.

Ang totoo niyan. Masaya ako na dumating siya sa buhay ko kahit na nag-umpisa lang yun sa sapilitan at pangblablackmail nila Dad at Papa.

"Mauna na tayo sa loob?" yaya ko

Tumango tango lang siya saka ngumiti kaya naglakad na kami at inakbayan siya.

My Troublesome Guy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon