Chapter 21 - Responsibilities

295 11 0
                                    

TERRENCE POV

"Tara! Inom tayo? Sagot ko. Tutal Biyernes naman ngayon." aya ni Rocco

"Too early for that Bro." sabi naman Asul

"Hindi ako pwede Bro. Remember, umuuwi ako kila Mama at Papa tuwing biyernes?" ani naman ni Kupas na abala sa kakakalikot ng cellphone niya.

"Ako okay lang." singit ni Xyddan

"Ako rin." sagot ko narin

"Sabi niyo yan ah! Babangasan ko talaga kayo kapag hindi kayo tumuloy." aniya kaya naman napaingin ako ng masama sa kanya. "O bakit?" tanong niya

"Tsk. Gaya gaya." saka ko siya inirapan

"Ang sungit mo talaga kahit kailan. Ang angas mo pa!" buwelta niya. Sanay naman na akong masabihang ganun kaya wala na sa akin yun.

Pagkatapos ng klase ay kanya kanya na kaming sakay ng aming mga kotse papunta sa Bar maliban kay Kupas na iba ang daan. Umuuwi nga siya sa bahay ng mga magulang niya tuwing biyernes tapos nagdi-DJ pa siya sa radyo kaya naiintindihan namin siya.

Paglabas namin ng parking lot ng sunod sunod ay pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Tsk. Ano na naman bang pakialam nila? Kung gusto nila, E di gumaya sila pero huwag na huwag silang susunod sa amin dahil babangasan ko talaga sila.

***

"Ano? Yung dati parin ba?" tanong ni Rocco ng makaupo kami sa dati naming upuan sa second floor kami at private pa.

"Oo." Sagot naman ni Xyddan dahil mukhang tinatamad pa kami ni Asul

Habang nakikipag-usap si Rocco sa waiter ay iginala ko lang ang paningin ko sa loob ng bar. Marami na yatang tao ngayon ah? Kungsabagay, biyernes nga naman kaya dito agad ang punta ng mga estudyanteng katulad naming walang magawang matino.

"Hayan na." tukoy ni Rocco sa mga alak kaya naman kumuha agad ako ng isa

"Maya pa 'ko." Tamad na sabi ni Asul at nakasandal lang sa couch

"Problema mo?" tanong sa kanya ni Xyddan kaya napatingin kami ni Rocco

"Wala."

"Psh. Hindi ka na naman nakalapit kay Ate?"

Nag-uusap silang dalawa samantalang nakikinig lang kami ni Rocco.

"Hindi naman sa ganun."

"E ano?"

"Ang daming nakapaligid sa kanya."

"Psh. Ganun din yun. Hindi ka talaga makalapit sa kanya. Pinahaba mo lang usapan natin."

"Shut up. Hindi ganun yun."

"Kung hindi ganun, e ano?"

Napabuntong hininga muna si Asul bago sumagot. "Sino ba kasi yung Gleen nay un?"

"Psh. Pinsan naming yun."

Namilog ang mga mata ni Asul at napaupo ng maayos at humarap kay Xyddan. "Really?"

"Oo nga. Ang kulit."

"Okay." Ani naman nung isa at nangingiti na siyang kuha ng isang bote ng alak at inom.

Tsk. Sarap bangasan ng mga 'to.

Tumingin nalang ako sa dance floor at kasalukuyang may mga nagsasayaw na parang lasing na lasing na. Tsk. Mga babae talaga. Ki-aga aga pa para sumayaw at maglasing. Todo pa kung humataw na parang wala ng bukas. Napapaligiran narin siya ng mga lalaki dahil sa style ng pagsasayaw niya. Tsk. Mabuti nalang hindi ganyan si Yva.

My Troublesome Guy ✔Where stories live. Discover now