Chapter 23 - Past And Present

135 7 0
                                    

Terrence POV
Nasa hallway palang ako ng tamabayan ay rinig ko na ang nga kaibigan kong nag-uusap na tila bang nagpapasagan. Dahil dun ay pinili ko na munang magtago at makinig sa usapan nila.

"Ikaw na magsabi, Rocco."

"Aba! Bakit naman ako? Baka masuntok lang niya ako. Ayoko. Ikaw nalang Asul."

"Ayoko rin."

"E sino magsasabi?" Tanong ni Xyddan

Hindi na ako naghintay pa. Dumiretso na ako sa pag-upo sa upuan ko na siya namang sabayang tingin nila sa akin pero agad ring nagsipag-abala sa kung anu ano.

Bangasan ko kaya 'tong mga 'to?

"Spill it." Sabi ko na tulala naman silang napatingin sa akin

Doon narin sila nagsikuhan na para bang may malaki silang kasalanang nagawa.

"It's about Trina. She's back." Walang pakundangang sabi ni Asul sa isang sulok.

Napataas ang aking kilay ng bahagya.

Yun lang?

Yun lang kaya sila nagkakaganyan?

"And so? What's the big deal?" Tanong ko kaya naman may reaksyon sila na nagtataka.

"You mean, wala lang sayo?" Tanong ni Abo

"Yesterday, I saw her in the mall. Playing piano." Sagot ko naman

"Talaga? Anong naramdaman mo?" Tanong ni Rocco

"Nagagalit ako at natatakot.."

"Nagagalit at natatakot? Bakit?" Tanong naman ni Xyddan

"Dahil.. Dahil maraming tao sa mall kahapon at ang asawa ko namang may kakapiranggot na utak ay nandoon nakikipagsiksikan para lang makakita ng babaeng nagpi-piano. Aba. Kung gusto niya, mag-piano pa ako sa harapan niya eh."

Nakakaasar siya!

Pero hindi bale ba nga. Atleast, niyakap naman niya ako kaya pinapatawad ko na siya ng ganun lang kadali.

"Seryoso. Anong naramdaman mo ng makita mo uli si Trina?" Seryosong tanong si Asul

Yung seryoso?

"Sa totoo lang, wala na akong maramdaman para sa kanya. Wala na. Hindi ko alam kung kailan yun nawala." Sagot ko.

"Alam ko kung bakit?" Sabat ni Abo

"Bakit?"

"Dahil sa puso mo, si Fliss na ang laman niyan. Si Fliss na ang mahal mo." Aniya

Bahagya akong natigilan at bahagya ring natuwa. Dahil kung totoo man, alam kong hindi niya ako iiwan sapagkat kasal na kami at may anak na kaming si Daffodil.

"Sinasabi ko na nga ba." Ani ni Abo.

"Ang kokorni niyo." Sabi ko nalang para matapos ang usapan.

"Nagugutom ako. Kumain muna tayo." Yaya ni Xyddan

"Hindi ka ba kumakain sa inyo?"

"Namumulubi ako ngayon. Pakainin niyo ako."

"Malala na yang paghihirap mo." Sabi ko saka ako tumayo.

"Saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Kupas

Nakakunot noo akong tumingin sa kanila. "Sasama ba kayo o hindi?"

"Saan nga?" Tanong pa ni Xyddan.

My Troublesome Guy ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora