Chapter 9 - Gang Fight

361 29 6
                                    

TERRENCE POV

Hindi ko alam kung anong mga trip ng mga 'to. Nagyaya ba namang magcamping. Muntanga lang dahil sa likod lang ng bahay ang pwesto namin. Tsk.

Bahala na sila dyan. Basta ako magsasabit na lang ako ng duyan sa mga puno. Yung may zipper na rin kung sakali mang malamok.

May bonefire pa silang nalalaman ah? Mga adik talaga! Daig pa ang nakahithit ng Vulcaseal sa pagkatarantado nila at pagkabaliw ng mga 'to.

"Aww! Aww!"

Huh?

Napalingon ako sa kinaroroonan ni Asul. Nagpapadyak padyak siya at kinakamot ang paa kaya lumapit rin si Kupas sa kanya.

"Ano yan Bro?" tanong niya

"Red Ants!!" saka na nagtatakbo takbo si Asul.

Binalik ko ang tingin ko kay Kupas na naiwang nakatayo parin pero pumapadyak padyak na ang paa. "Aww! Aww! Aww! Aww!" saka na siya umalis sa kinatatayuan at nagkakamot kamot.

Natawa na lang ako. Minsan kasi may mga katangahan silang taglay sa likod ng nagwagwapuhan mukha. Oo, mga gwapo kami. Hindi kaya ako makikipagkaibigan sa mga yan kung hindi noh?

Gabi narin. Malawanag ang buwan at kumikinang na ang mga bituin. Ang lamig at ang sarap ng hangin.


Kasalukuyan na akong nakupo sa bato at nasa harap ng apoy. Nag-iihaw ako ng Marshmallow. Wag kayong maingay pero paborito ko 'to. Adik ako dito. Malapit ko na ngang maubos ang isang plastik .

"Penge?"

Tsk. Kanina pa 'tong Rocco na 'to. Kita na nga niyang kumakain ang tao eh. Saka, akin lang 'to. Ang dami kaya niyang binili pero heto siya. Kanina pa hingi ng hingi. Syempre di ko binibigyan.

"Grabe ka naman, Bro! Isa lang naman eh!" pagmamaktol niya kaya naman dimukot ako sa plastik at nilagay sa palad niya ang kapirasong Marshmallow.

"Yan! Ng magtigil ka na!" singhal ko sa kanya

"Langya, namigay ka pa!" angal niya pero itinusok na niya sa stick.

"Tangna. Sarap mong bangasan! Sabi mo isa, pero nung binigyan na kita nagrereklamo ka naman! Amina nga yan!" inaagaw ko ang stick sa kamay niya pero nilalayo lang niya.

"Fernando!" napatigil ako.

Alam kong si Xyddan yun at alam kong seryoso siya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Lumayo kami ng kaunti para walang makarinig.

Seryoso ang mukha niya.

"What?" tanong ko

"Where's your phone?"

"Nasa bag ko."

"May Gang Fight mamaya."

Napakunot noo ako "Ano pang ginagawa natin? Tara na!" yaya ko

"Hintayin na lang natin yung Chopper na susundo sa'tin."

"Chopper?"

"Oo, sinabi ko kay Zachary na nandito tayo ngayon sa Tagaytay kaya nagalit siya dahil hindi man lang tayo nagpaalam. Lalo na dahil tawag siya ng tawag sayo pero di mo naman sinasagot."

"Oo nga. Tangna. Patay tayo dyan."

"Mga ilang minuto ay nandito na rin yun."

Napasinghap ako. Oo. Takot kami sa Leader namin. Mas grabe yun samin. Mas siya sa aming walo. Kaya nga Rank1 siya at Rank2 naman ako dahil pumapangalawa ako sa galing niya. Kumbaga, kanang kamay niya. Pero nakakatakot siyang magalit dahil nagwawala yan lalo na kapag may napupuruhan at nasasaktan na kasamahaan namin ay iginaganti niya.

My Troublesome Guy ✔Where stories live. Discover now