Chapter 6 - Juices

359 28 9
                                    

Tahimik akong kumakain pero 'tong kasama kanina pa ikot ng ikot. Nahihilo na ako. Hindi ko na lang pinapansin.

Abala akong nanunuod ng Pelikula pero hindi parin mapakali 'tong kasama ko.

Nakaligo na ako't lahat, palinga linga parin siya sa bintana. Ano naman kayang tinitignan niya dyan?

"Magluto ka na, nagugutom ulit ako." sabi ko habang pinupunasan ng tuwalya ang basa kong buhok.

"Ano?! May alaga ka bang bulate?!"

Huh?

Napangisi ako.

Grabe, nahawaan na yata ako ng kahalayaan ni Rocco.

Bulate?

Hahahaha

Malaki at matabang bulate kamo.

"Ano namang tinawa tawa mo dyan?!" sigaw niya ng makalapit sa akin.

Tinignan ko siya ng may nakakalokong mga tingin at may ngisi sa aking labi.

Lumapit ako sa kanya na siya namang atras niya. Lapit lang ako ng lapit kaya atras lang siya ng atras hanggang sa mapasandal na siya sa pader at napalunok.

Nakakatuwa talaga siyang pagtripan!

Unti unti kong inilapit ang mukha sa mukha niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa labi niya. Natutukso ako pero kailangan ko siyang maasar. Hanggang sa mapapikit siya kaya agad akong lumayo.

"Hahahaha!" natatawang tinitignan ko siya.

Dinilat niya ang mata niya at namumula.

"Walang hiya ka talaga!!" tumakbo sa papunta sakin kaya tumakbo narin ako. Naghahabulan lang kami.

Hanggang sa mahiga siya sa kama dahil sa pagod. Tumabi naman ako para mas lalo siyang maiinis.

Hiningal lang kami.

Tumayo ako agad para kumuha ng maiinom sa mini ref ko. Bakit walang tubig? Puro juice lang laman ng pitsel? Tsk. No choice. Tuyot na ang lalamunan ko.

Dinala ko ang pitsel sa mini kitchen saka nagsalin sa baso. Nilanggok ko ang isang baso ng juice pero hindi pa ako nakukutento kaya uminom pa ako ng isa.

"Penge naman ako!!" lumapit si Yva na may dalang baso kaya sinalinan ko ito.

"Isa pa!" sabi niya kaya sinalinan ko din

"Penge pa! Sarap eh!!"

"Magsalin ka mag-isa mo!!" Binigay ko ang pitsel pero sinalinan ko pa ang baso ko.

"Ang tamad mo talaga!"

Di ko na lang siya pinansin. Naglakad ako papuntang kama ko saka nilanggok ang juice! Ah! Ang sarap naman nung juice na yun!

Nilapag ko ang baso sa bedside table saka nahiga. Ano kayang magandang gawin?

Tsk.

As if naman!

Nakakulong kaya kami dito!!

"Yvo? Nakapatay ba ang aircon?"

Huh?

Nilingon ko siya. Nagpapaypay siya gamit ang kamay niya. Nilapitan niya ang aircon.

"Naka-full naman pala eh pero bakit mainit?!"

Napakunot noo ako dahil sa kaartehan ng babaeng 'to!

Teka?

Bakit siya pumasok sa walk in closet ko?

My Troublesome Guy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon