Chapter 18 - Photograph

302 14 0
                                    

"Nagsisisi akong nagyaya pa ako dun!" nakangusong sabi ni Gray ng hinihingal kaming makarating sa Parking Lot.

"Nawala naman ang busog ko." reklamo ni Asul na nakasandal lang sa kotse niya.

"Ang sarap kaya sa feeling!" sabi naman ni Rocco na brush up ng brush up sa buhok niya na nagpi-feeling gwapo.

"Sus! Nagpaiwan ka nalang sana dun Bro!" buwelta ni Xyddan na inaayos ayos ang damit dahil sa kakahila ng mga babae.

Kaya lang parang kulang kami.

"Gusto ko nga pero napakarami nila at hindi ko sila mapagsabay sabay lahat." preskong sagot ni Rocco

Pero.

Teka nga.

Wait lang.

Nasaan ang kaibigan ko?

"Nasaan si Flaire?" tanong ko kaya narahimik sila at nagtitinginan sa isa't isa.

Pare-pareho kaming napamaang.

"I'll find her. Sorrry Fliss. She's my responsibility." sabi ni Xyddan saka agad na tumakbo papasok ng Mall.

Hinayaan nalang namin siya dahil may tiwala naman ako sa kanya. Siya na ang bahala sa kaibigan ko saka kaya naman niyang ipagtanggol ang sarili niya kung sakali mang halayin siya ni Xyddan pero mukhang malabong mangyari yun dahil baka siya pa ang manghalay.

Nagkanya kanya na kami ng daan sapagkat may kanya kanya rin naman silang lakad. Habang nasa byahe ay nainip ako kaya binuksan ko ang radyo.

Loving can hurt
Loving can hurt sometimes
But it's the only thing that I know

Umpisa ko sa pagkanta. Nakita ko namang napailing nalang ang driver ko samantalang inirapan ko nalang siya habang sumasabay sa kanta.

When it gets hard
You know it can get hard sometimes
It is the only thing that makes us feel alive

"Ang ingay mo talaga kahit kailan. Dapat sa compartment ka nalang." masungit na sabi ni Yvo

We keep this love in a photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Hearts are never broken
Times forever frozen still

"Ang sweet kaya ng kanta." sagot ko.

"Tsk. Bakit? Natikman mo ba?"

Aba! Mahilig talaga 'tong mambara kahit kailan! Lalaki ba talaga 'to? Mabuti nalang ay napatunayan ko na dahil kung hindi talagang magdududa na ako.

So you can keep me
Inside the pocket
Of your ripped jeans
Holdin' me closer
'Til our eyes meet
You won't ever be alone
Wait for me to come home

Sinasabayan ko lang ang kanta habang nasa kalagitnaan na kami ng traffic. Uwian na kasi kaya heto't bumper to bumper na.

Loving can heal
Loving can mend your soul
And it's the only thing that I know (know)

Hinampas niya ang manibela dahil sa inis sa traffic pero hindi ko nalang pinansin bagkus nilakasan ko nalang ang volume ng kanta at in-on ang video recorder saka ipinatong sa harap para kita kaming dalawa.

I swear it will get easier
Remember that with every piece of ya
And it's the only thing we take with us when we die

"What are you doing?" asar niyang tanong.

"Wala kang pake." pagsusungit ko sa kanya.

"Kotse ko 'to kaya pakikialaman ko lahat ng nandito."

My Troublesome Guy ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя