01

609 26 0
                                    

Katrina's (Pov)


Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-aayos ng ilang papers para makapag-apply for jobs, mag-iisang buwan narin mula nang bumagsak ang business namin and eventually it became bankrupt, marami na kaming nalabas na pera nang magkasakit si dad at mawala sa amin.





The pain is still there because of dad's loss, nawala ang atensyon namin sa business at lahat ng employer ay nagsi-alisan but we didn't notice that either. Ang importante sa amin nun ay ang kaligtasan ni dad, halos doon na nga kami tumira sa hospital dahil konting paggalaw lang ni dad ay natataranta kami baka kasi kung ano mangyari sakaniya, then one day hindi na niya kinaya at habang tumatagal pa ay mas nahihirapan na siya sa sakit niyang cancer.



we did nothing during those times, even though we still wanted to be with him he asked us to let him go and get used to living without him.




I was in so much pain when we lost him, I just saw him lying in the hospital, I'm already in pain, how can he be gone now.





But for the sake of my family, i'm still standing strong. Kahit dalawang tao ang nawala sa akin ay kakayanin ko parin.





Nang mamatay si dad ayun din 'yung araw na nakipaghiwalay sa akin ang boyfriend ko, imbis na makasama nang matagal si dad sa hospital ay inuna ko siyang puntahan para lang makipag-break? fuck, i hate my life. Until now, i apologizing to dad dahil wala ako sa tabi niya nung huling hininga niya nalang.




I snapped back in reality when i taste my own tears, umiiyak nanaman pala ako. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at tumambad ang kaibigan kong si Luna na nakangiti pa ngunit napalitan 'yon ng pag-aalala, napansin niya ata na umiiyak ako.




"b-bes, ready kana ba?" tanong niya, nag volunteer kasi siyang samahan ako para maghanap ng trabaho ngayon. Sabi niya pa nga sa kompanya nalang nila ako magtrabaho but i declined it, andami na niyang naitulong sa akin, sa amin at thankful ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang katulad niya na sobrang bait like her family. Sila ang umasikaso sa funeral ni dad because mom is still not in a good mood, sa pagkawala ni dad ay siya ang pinaka-naapektuhan dahil alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.




I gently wipe my tears before looking at her "y-yes, h-hintayin mo nalang ako sa baba.."




Nilapitan niya ako at naupo sa kama katulad ng pwesto ko "I know how painful it is, Rina.. but be strong, mawawala rin 'yan.." I smiled at her then she embrace me but not too long, siya rin ang kusang humiwalay.



"thanks, Ning!" I said with a playful smile, ayaw na ayaw niya kasing tinatawag ko siya sa nickname niya dati since bata pa kami.



"Rina! You're welcome!" tugon niya at saka ako tinarayan, tiwanan ko lang siya bago pa lumabas sa kwarto ko.





Masaya kaming nagsa-soundtrip ni Luna sa sasakyan niya habang nasa byahe, nakapagresearch kasi ako kagabi at andami kong nahanap na companies at malapit lang sa lugar namin. I think mga lima 'yon at lahat 'yon ay pupuntahan namin



Mabilis kaming nakapunta sa unang kompanya na hindi naman kataasan ang palapag pero maganda ata sa loob, tumingala ako at nabasa ang name nito "ACE'S COMPANY" kaagad naman naming pinasok yun.




"Good morning girls, how may i help you?" nakangiti at magalang na bati sa amin ng isang babae kaya nginitian namin siya at binati pabalik.


"good morning din po, mag-aapply sana ang kaibigan ko if may available pa for some job." Si Luna ang sumagot

"Sorry, but our company isn't accepting right now" I sighed, 4 down companies nalang.


Her Unwanted SecretaryWhere stories live. Discover now