08

321 17 1
                                    

Kat's (pov)

"pasok mo na 'yan dito!" utos pa ni Luna sa isang lalake na nagbubuhat ng mga gamit ko.

Andito kami ngayon sa condo kung saan binigay sa 'kin ng mom ni Minty, at first syempre i couldn't expecting this but she said na kailangan ko ito para raw hindi na ako mahirapan pang mag-commute mula sa bahay hanggang sa office. Hindi ko alam kung anong ma f-feel ko and i don't deserve this as well, marami nang naitulong sa 'kin si ma'am claudia.

she insisted na dito na raw ako mag-stay since nalaman niya rin kay mom na uuwi muna siya sa parents niya, my grandparents. Ayaw ni mom na magkahiwalay kami but i force her to go even without me, need siya ng parents niya sa province. In the end ay pumayag na siya and actually kahapon pa siya nakaalis kaya lumipat agad ako rito sa condo unit ko.

"I still can't believe this, rina!" Luna said while looking around the corner of the room

"me too, what if balik ko nalang--" she interrupted me and give me a death glare

"hindi pwede 'no, you said na 'yung mom ni Minty ang nag-insist!"

"yeah, but this is too much.." sagot ko habang nakakunot ang noo, nakatayo lang kaming dalawa sa loob ng kwarto nitong condo dahil inaayos pa ng mga guy's ang gamit papasok.

Luna help me to move my things here, dala dala ang mga lalaking malalaki ang katawan para magbuhat ng mga gamit ko.

"I mean, malaki na ang naitulong ni ma'am Claudia sa 'kin, sa amin ni mom.."

"but she's willing to help you rina, tanggapin mo nalang"

"nakakahiya na" nakasimangot kong saad habang nakatingin sakaniya, natawa lang siya sa mukha ko

"just don't mind that, anyway..how's your date with your boss?" nakangising tanong niya halatang nang-aasar.

"nag-iimagine kana naman, we didn't have a date.."

"pero nabanggit mo kanina sa sasakyan?" sagot niya habang pinag-iisipan kung tama ba ang narinig niya

"I said, her friend set her up for a blind date. Hindi ko sinabing nagdate kami." buwelta ko, tumango tango lang siya at parang nag-iisip nanaman ng itatanong niya.

"pero kasama ka, right?" she's talking as if i'm a criminal and interviewing for a investigation, i nodded slowly.

"but..iba parin ang ka date niya." singit ko bago niya pa ako unahan

"oh anong nangyari? nandoon ka 'diba?" eto talaga, hindi mawawala pagiging tsismosa niya.

"yes, but i don't have anything to say dahil hindi naman ako nakikinig sa usapan nila. Unlike you"

"grabe ka sa 'kin, curious lang naman ako. Alam mo kasi.." panimula niya habang paikot ikot pa sa harapan ko "When i first saw your boss, she has this mesmerizing cold little eyes." what? saan niya nakukuha ang mga ganiyan?

tinalikuran ko siya "ewan ko sa 'yo!"

Paglapit ko sa sala ay medyo maayos na ang pagkaka-organize sa mga gamit, nagdala din ng organizer si Luna para raw wala na akong alalahanin pa.

"you know what? I find her cute!" dagdag pa niya nang makalapit sa 'kin

hinawi ko muna ang ilang strand ng buhok na nakaharang sa pisngi ko bago siya harapin "may crush kaba do'n?"

"who would not? kahit nga ikaw ata magkakagusto sakaniya!" aniya, minsan wala talagang preno bibig nito e

"magkakagusto? stop hallucinating, Ning!"

Her Unwanted SecretaryWhere stories live. Discover now