02

454 23 0
                                    

Minty's (Pov)

It's saturday and my only plan is to read a book at home and lie down all day but mom called and said na kailangan kong pumunta sa kompanya ngayon dahil may ipapakilala raw siya sa'kin.



Na curious ako kung sino 'yon kaya kahit na tinatamad ay kumilos agad ako upang makapunta sa opisina.



Kahapon nga pala ay namili lang ako ng mga ilang bagay para sa magiging opisina ko, katabi lang 'yon ng office ni dad nung ceo pa siya. Akala ko nga ay doon rin ang opisina ko but mom decided na ibahin naman ang akin para raw mag remain ang office ni dad. Aeri helped me unpack my things that i need in my office at kami narin ang nag-ayos no'n.




Lumabas na ako ng bahay ko at pumunta sa parking space sa tabi nito kung nasaan ang kotse ko, nang makapasok sa loob ay kinabit ko agad ang seatbelt sa akin at binuksan ang radio, madalas kasi akong makinig ng mga songs dito. Pang broken hearted pa, pero ang sakit kaya kahit hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend ay ramdam ko ang lyrics at tono ng kanta.




Anyways, mabilis akong nakarating ng building dahil sa nalibang ako habang nagmamaneho kanina. Nang makapasok sa loob ay binati agad ako ng mga tao dito and as usual nginingitian ko lang sila, hindi parin kasi ako sanay na tinatawag na ceo. Siguro kailangan ko nang sanayin ang aking sarili



"Where's mom?" tanong ko kaagad sa isa sa empleyado namin


"Nasa office niyo po, kanina pa ho siya naghihintay sainyo.." i just nodded at her, pumasok ako sa elevator then clicked button 3 dahil sa 3rd floor pa ang office ko.



Bumukas ang elevator at lumabas agad ako, habang naglalakad sa hallway ay marami ring tao ang nandito at nagbubulungan pa. Pasalamat kayo hindi ako masungit, or else kanina pa kayo natanggal. Try ko kaya minsan na maging strict like dad wala naman atang masama doon.



Isinantabi ko nalang ang laman ng isip ko at kinatok ang pinto ng office ko, hindi ko rinig ang usapan sa loob dahil soundproof ito at nasa gitna kasi ang opisina ko kaya sa part na 'to wala nang masyadong tao except sa mga janitors na umiikot.




Nakatatlong katok lang ako at bumukas agad ang pinto, bumungad sa akin ang isang babaeng hindi ko kailanman nakita pa. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya ngunit ang una kong napansin ay ang mole niya sa medyo baba ng labi, matangkad siya at maganda rin ang katawan maputi, mahaba ang buhok.



who is she?



"What are you doing here in my office?" unang lumabas sa bibig ko, i don't want to sound like rude pero ayoko lang kasi 'yung may basta bastang pumapasok sa office ko lalo na't hindi ko naman kilala



Sasagot na sana siya nang biglang may nagsalita sa likuran niya, si mom.




"Oh, you're already here Minty! I'll introduce her to you" nagkatinginan muna silang dalawa at binalik ulit ni mom ang paningin niya sa'kin, I secretly turn my sight on her "She's Katrina, your appointed secretary" a what?




what the?! I thought next month pa hahanap si mom, sinabi niya 'yan sa akin through phone call yesterday!



"mom? you just said yesterday na---" she interrupted me



"I know sweety, and i'm sorry about that but aren't you happy? Now that you have a secretary.." i sighed in frustration, naiinis ako!



"in the first place, pinilit niyo lang ako mom.." iniiwasan kong magtinig bastos ngunit hindi ko magawa, okay narin 'yon baka nga maisipan ng babae na umalis agad ngayong nalaman niya na mataray ako, nakakaganda rin ang pagiging mataray.




Her Unwanted SecretaryWhere stories live. Discover now